Dahilan na lang ang COVID para makapagnakaw ang mga korup
- BULGAR
- Jun 11, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | June 11, 2022
NASAKSIHAN natin ang groundbreaking ceremony ng Taguig city Science Terminal and Exhibit Center isinagawa kamakalawa.
Isang inobasyon ito na makatutulong sa mga mananakay o komyuter.
◘◘◘
ITATAYO ang naturang terminal complex sa loob ng DOST compound, General Santos Ave. Bicutan, Taguig city.
Bukod sa terminal ng mga bus, dyip at traysikel, ito ay magiging exhibit center ng mga programa at proyekto ng DOST na repleksyon ng talino at diskarte ng sambayanang Pinoy.
◘◘◘
PINONDOHAN ang proyekto sa pamamagitan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, kung saan nagsanib-puwersa ang DOST, DPWH at ang siyudad ng Taguig upang maisakatuparan ang proyekto.
Ayon kay Cayetano, ang bagong gusaling itatayo ay mayroon kinalaman sa Science, innovation at technology.
◘◘◘
LAYUNIN ng 5-storey building na mayroon basement at roof deck, upang maorganisa ang transport system sa lugar na maaaring mapaunlakan ang mga pasahero, commuters at pedestrians.
Maiibsan nito ang trapiko sa siyudad at magkakaroon ng pagkakataon ang ordinaryong tao na masulyapan ang inobasyon at imbensyon ng mga Pinoy sa nagdaang panahon.
◘◘◘
AALISIN na ang face mask sa Cebu.
Pero, kinokontra pa rin ng mga eksperto.
Killjoy!
◘◘◘
SA totoo lang, negosyo na lamang ang COVID-19 at ginagamit din katwiran dito upang makapandambong ng salapi ang mga korup sa pamahalaan.
Dapat iutos ni P-BBM ang malawakang imbentaryo at auditing sa lahat ng transaksyon na may kaugnayan sa COVID-19.
◘◘◘
KARANIWANG inaakusahan ang mga LGUs sa hindi maayos na paggastos sa emergency fund.
Kailangan maging transparent ang gobyerno sa paglalabas ng pondo, tulad sa kalamidad partikular sa COVID-19 crisis.
◘◘◘
MAGING ang WHO ay pinagdududahang nakikipagkutsaba sa mga dambuhalang multinational drug companies na nagbebenta ng vaccines at gamot.
Nagdarahop ang buong daigdig pero nagkakamal ng salapi ang mga multinational corporations.
◘◘◘
KRISIS sa ekonomiya ang agenda ng lahat.
‘Yan ang dapat prayoridad ni P-BBM.








Comments