top of page

Dahilan kaya 'di puwedeng pumalag ang 'Pinas sa gusto ng US

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2023
  • 1 min read

ni Ka Ambo @Bistado | February 5, 2023


Sa aktuwal, ibinabala ng isang US general na hindi maiiwasan ang komprontasyon ng US at China sa pinag-aagawang karagatan.


Tinataya ng US general na magaganap ito sa 2025.

◘◘◘


BUBUHAYIN ng US at Pilipinas ang RP-US Mutual Defense Treaty kung saan tinukoy na ang paggamit ng apat pang military base malapit sa WPS para maging himpilan ng mga US military assets.


‘Yan na talaga ‘yan. No ifs, no buts!

◘◘◘


HINDI puwedeng tumanggi o mag-inarte ang Pilipinas.


Bakit?

Sapagkat mula nang mawala ang US bases sa Subic at Clark, nakapostura nang todo ang China.


◘◘◘


NGAYON, nakikita mismo ang kamalian sa pagpapalayas sa US troops dahil binabastos talaga ng China ang soberanya ng Pilipinas.


At diretso lang sila sa preparasyon sa isang “giyera na hindi maiiwasan” sa hinaharap.

◘◘◘


OPO, hindi maiiwasan ang “giyera” sa West Philippine Sea, na siya ring paniniwala ng mga eksperto na kinukumpirma mismo ng isang US general.


Ano ang ibig sabihin nito?


Dapat magdesisyon nang malinaw, espesipiko at konkreto ang gobyerno ng Pilipinas.

◘◘◘


HINDI puwede rito ang pakiyeme-kiyeme. Hindi puwede ang plastic o pagkunwari.

Walang neutral-neutral d’yan.


◘◘◘


HINDI puwedeng neutral ang Pilipinas kapag nagkaputukan sa old China Sea.


Ngayon pa lamang ay ihiwalay na ang kulay pula sa kulay puti.


Kapag hindi pumili ng kakampi ang Pilipinas, magmimistulang “kinulang damit” na ibinabad nang matagal kaya ubod ng baho ang amoy kapag binanlawan.


◘◘◘


TAMA ang desisyon ni Pangulong Marcos Jr. na pumanig o sundin ang kapritso ng US.

Hindi siya puwedeng pumalag.


Dahil kapag pumalag ang Pilipinas, hindi malayong gumuho o maalibadbaran ang kanyang administrasyon mula sa paghahasik ng lagim ng mga lihim na espiya ng mga dayuhan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page