Dahilan, ‘di pa raw alam ng komedyana… MISTER NI RUFA MAE, NAMATAY NA SA USA
- BULGAR

- Aug 1
- 4 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 1, 2025
Photo: Ruffa Mae Quinto at Trevor - IG
Hours after kumalat ang balitang pagpanaw ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes sa social media, nag-post na ang sexy comedienne ng official statement sa kanyang Instagram account kahapon.
Isang relative ni Trevor ang nagkumpirma ng pagkamatay ng mister ni Rufa at ama ng kanyang unica hija na si Athena Magallanes.
Walang cause of death na nabanggit ang naturang relative ni Trevor na isang financial analyst sa US.
Habang nalaman na lang daw ni Rufa ang balitang yumao na si Trevor dito sa Manila and wala pa siyang complete details on how her husband died.
Caption ni Rufa sa kanyang IG post, “I'm deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter. Just pray for us that we will get thru this by the help of God!
“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened.
“So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death. I am flying tomorrow for d US with my daughter so pls wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not fr any other source.
“Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial.
“Hanggang sa huli.... Hanggang sa muli,
“Mahal kita Trev.”
Legally married pa rin si Rufa kay Trevor pero naghiwalay sila noong Mayo ngayong taon.
Pahayag ni Rufa sa isang interbyu as to why ‘di pa annulled ang kasal nila ni Trevor, “‘Yung legalities, walang file ng divorce. Walang nag-file. Hindi ako magpa-file kasi andami ko nang file sa kaso. Ayoko muna mag-file sa divorce kasi dito rin naman kami ikinasal sa Pilipinas. ‘Di ko na rin alam ano gagawin, masyadong masakit pa. May anak din kami.”
As of this writing, may tsika na babalik si Rufa Mae sa US para sa huling pamamaalam niya kay Trevor.
BAGONG revival song, bagong talent management, at marami pang bagong pakulo ang ibinida ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez.
Inilunsad ang dalawang bagong singles ni Jojo under Star Music na parehong magiging bahagi ng kanyang EP album.
Ang una ay ang Timmy Cruz original na I Love You, Boy na gagawing I Love you, BABE sa version ni Jojo. At isa naman ay ang hit song ni Dina Bonnevie na Bakit Ba Ganyan?
Incidentally, parehong under Artist Circle sina Dina at Timmy.
Anyway, kasabay ng pagpirma ni Jojo ng kontrata sa bago niyang talent management, ang Artist Circle under the leadership of President and CEO Rams David, he is now officially a certified Ka-Circle.
Ayon kay Jojo, “Well, kasi uhm, first kami nag-meet ni Rams, ramdam ko na mabuting tao si Rams. Kasi ganoon naman, eh, kapag siyempre, ‘yung first impression ko sa kanya, naramdaman kong mukhang magkakatulungan kami nang maayos.
“Kasi ako, marami akong pangarap sa buhay. Kasi nga laging sinasabi ko, life is short. So, gawin mo na lahat ng iyong dapat gawin.
“So, nu’ng nag-meet kami ni Rams, nasabi ko ‘yung mga plans ko. Eh, siyempre, surrounded ako ng mga good heart, ng mga kaibigan din niya. So, parang kampante ako sa buhay ko ngayon with Rams.”
And then, we asked Jojo and Rams kung gaano katagal ang kontrata nila sa isa’t isa.
Paliwanag ni Rams, “Well, lahat naman ng contract, may terms ‘no? Initially, three years ‘yung contract namin ni Jojo. So, hopefully, idinadalangin namin sa Panginoon na maging maganda ‘yung relationship and ‘yung management. ‘Pag maganda, eh, di dire-diretso lang ang contract, ganoon.”
Immediate plans daw nila ni Jojo sa kanyang career gaya ng sabi ng Revival King sa media launch na mas nare-recognize ‘yung kanta niya on the contents that he is doing. Kaya kasama raw si Jojo sa pagpaplano nina Rams sa mga contents na ginagawa niya sa socmed.
At the same time, paano ii-inject ‘yung mga kantang ilo-launch ng Star Music para mas makilala ang kanyang mga revival songs at si Jojo.
Kaya isang malaking collaboration daw ng socmed accounts ni Jojo at mga kantang ilo-launch niya ang gagawin ng Artist Circle.
Kilala rin ang mga artistang mina-manage ng Artist Circle sa larangan ng pag-arte. Kaya tinanong namin si Rams kung may chance kaya na pasukin na rin ni Jojo ang pag-arte.
“Tinanong ko rin naman siya. Nakakaarte naman si Jojo. So, why not? Bakit hindi?” diin ni Rams.
Sabi naman ni Jojo, “Kahit ano po ang ipagawa sa akin, okay. Wala sa akin ang hihindian. ‘Wag lang Vivamax ang gagawin ko na mag-bold ako. Kasi mukhang hindi bagay, “ seryosong biro ni Jojo.
Bukod sa pagiging Revival King, kilala na rin siya bilang si Super Jojo. Trending palagi ang pagla-live ni Jojo sa Facebook kung saan nagse-share ng blessings sa ating mga kababayan.
Soon ay magkakaroon din ng official launch ang kanyang “Super Jojo: Libre Ko Na ‘To.”
Ilan pa lang ‘yan sa mga bagong pasabog ni Jojo sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.










Comments