Dahil sa sobrang riders — LTFRB... P555.75M multa sa Move It

ni Gina Plenago @News | November 3, 2026

Photo: File / Move It
Pinagmumulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P555.75 milyon ang Move It PH dahil sa paglampas sa itinakdang bilang ng mga rider-partner nito.
Batay sa pagsusuri ng LTFRB, umabot sa 73,321 ang aktibong rider-partner ng kumpanya sa Metro Manila, Cebu at Cagayan de Oro City, kahit 17,746 lamang ang pinahihintulutang alokasyon nito.
Nangangahulugan itong lumampas ang Move It ng 55,575 rider-partner, na paglabag sa Section 6 ng Department Order No. 2026-006 kaugnay ng driver allocation sa ilalim ng Motorcycle Taxi Pilot Program.
Dahil dito, nagpataw ang LTFRB ng multang ₱10,000 sa bawat sobrang rider-partner, na umabot sa kabuuang ₱555,750,000.
Nagbabala rin ang LTFRB na maaaring masuspinde o mabawi ang awtorisasyon ng Move It na mag-operate sakaling mabigo itong bayaran ang multa. (Gina Pleñago)





Comments