top of page
Search
  • BULGAR

Dahil sa papalapit na Kapaskuhan… Special permit para sa dagdag na bus, binuksan ng LTFRB

ni Lolet Abania | December 2, 2022



Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Biyernes ang aplikasyon para sa special permits para sa mga karagdagang bus units na ide-deploy sa panahon ng Kapaskuhan.


Sa isang televised public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Robert Peig na nakipag-coordinate na ang board sa mga concerned agencies kaugnay sa seguridad at mga operasyon sa mga terminals para sa holiday season.


“Kasama rin po ‘yung pagbubukas natin o pagbibigay po natin ng special permits para po sa ating mga buses para po mag-complement doon sa dami ng ating mga pasahero na uuwi sa kanilang mga probinsiya,” pahayag ni Peig.


Ayon pa kay Peig, naghahanda na rin ang LTFRB para sa tinatawag na “exodus” o pagdagsa ng mga tao ngayong holiday season, sa koordinasyon ng Philippine National Police (PNP), Inter-Agency Council for Traffic, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga local governments.


Matatandaan na noong Nobyembre, ipinahayag ng MMDA na ang Christmas rush ay makadaragdag ng 10%-20% sa traffic volume sa mga lansangan.


Binanggit naman ng PNP na nasa tinatayang 190,000 ng kanilang personnel ang ide-deploy upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Kapaskuhan.


Ipatutupad din ng ahensiya ang Oplan Ligtas Pasko, kung saan dadagdagan nila ang mga police visibility at patrols sa mga lugar na ang mga tao ay dumadagsa kabilang na ang mga terminals.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page