top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

Dahil sa pagtulong Sen. Bato... Sen. Robin, ipina-subpoena ng DOJ

Writer: BULGAR
BULGAR
30 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 16, 2026



Robin Padilla - Senate of the Philippines

Photo: Robin Padilla - Senate of the Philippines



Naglabas ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) laban kay Senador Robin Padilla kaugnay ng reklamong obstruction of justice na isinampa ng Philippine National Police (PNP) dahil sa umano’y pagtulong sa paglabas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado habang may warrant mula sa International Criminal Court (ICC).


Ayon sa DOJ, inaatasan si Padilla na humarap sa panel of prosecutors at magsumite ng kanyang counter-affidavit sa Setyembre 25 at Oktubre 9.


Sa maikling pahayag sa Facebook, kinumpirma naman ni Padilla ang natanggap na subpoena sa pagsasabing, “A subpoena has arrived.”


Isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang reklamo noong Mayo matapos ang insidente kung saan nakalabas si Dela Rosa sa Senado sa kabila ng tangkang pagsisilbi ng ICC warrant laban sa kanya.


Si Dela Rosa ay nahaharap sa warrant dahil sa umano’y pananagutan niya bilang indirect co-perpetrator sa kasong crimes against humanity kaugnay sa war on drugs noong Hulyo 2016 hanggang Abril 2018.


Iginiit naman ni Padilla na wala siyang tinulungang tumakas at sinabi niyang nakisabay lamang si Dela Rosa sa kanyang sasakyan palabas ng Senado noong Mayo 14.


Bukod sa DOJ, nahaharap din si Padilla sa hiwalay na reklamong obstruction of justice sa Office of the Ombudsman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page