top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil sa pagiging taklesa ni Isko, iniwan siya ng kanyang mga supporters

BULGAR
Apr 22, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 22, 2022


KAPAG NATALO, BAGONG CAREER NI ISKO PAGIGING ANTI-LENI BLOGGER – Ayaw maglubay ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno sa mga pag-atake niya kay presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo.


‘Ika nga, nagmimistula na siyang blogger sa kababanat kay VP Leni.


Kaya't sakaling matalo sa presidential election, may bagong career na si Isko na puwede niyang pagtuunan, at ito ay ang pagiging anti-Leni blogger, boom!


◘◘◘


SABLAY MGA ATAKE NI ISKO KAY LENI – Sa totoo lang, sablay ang mga atake ni Mayor Isko Moreno kay VP Leni.


Dahil sa pagiging taklesa at mga atake ni Yorme kay VP Leni, iniwanan tuloy siya ng mga dating supporters niya, at ang suporta ay kay Leni na ibinigay, saklap!


◘◘◘


MOCHA USON VS. TONI GONZAGA – Hindi nagustuhan ni dating OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Deputy chief, Mocha Uson ang sinabi ni TV host/blogger Toni Gonzaga na malapit nang bumalik si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos sa kanyang tahanan – ang Malacañang.


Ayon kasi kay Mocha, taumbayan ang nagmamay-ari ng Malacañang at hindi ito dapat ituring na bahay ni BBM.


Dahil sa tiradang 'yan ni Mocha, asahan nang reresbak si Toni nang banat kay Mocha, abangan!


◘◘◘


372,878 BALOTA DEPEKTIBO, NAKUPO! – Inanunsyo ng Comelec na natuklasan daw nila na 372,878 balota sa eleksyon ang depektibo.


Nakupo, dapat ayusin agad ‘yan ng Comelec, kasi kung hindi ay ganyan karaming boto ng mga botante ang masasayang sa araw ng eleksyon, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page