top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa mga iskandalo, Andrea… RICCI, LAGLAG PARA MAGING STAR PLAYER SA PBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | September 20, 2023



"Sobrang hype kasi," pag-aanalisa ng aming kapwa sportswriter sa naging kapalaran ni Ricci Rivero sa katatapos lang na PBA Draft.


Inaasahan kasi na ang kontrobersiyal na personalidad ay isa sa mga magta-top among the rookie-aspirants na nais maging PBA player. Mayroon pa ngang nagsabing sa kasikatan at galing nito ay imposibleng hindi ito mapasama sa top five first round pick.


Pero sa kinahantungan nitong pang-17 overall pick at nakuha ito bilang panglima sa second round, tila mas pressured ngayon si Ricci na magpakitang-gilas sa PBA at dito na lang magpokus kesa sa mga kontrobersiya nito sa showbiz.


Ang mga kinasangkutan umano nitong iskandalo sa showbiz ang isa sa mga rason kung bakit nahilawan ang mga team owners na kunin ito at gawing star player ng kanilang team.


"Iba ang labanan sa sport na ito. HIndi ito pormahan at pagiging sikat lang," hirit pa ng aming kausap.


Sa dinami-rami raw kasi ng mga Fil-foreign rookies na na-draft na halos kaytataas at malalaking tao (at least 6'4" ang average height), and yes, kayguguwapo, Ricci needs to triple his time to catch up with the league he said he belongs to.


'Yun ang challenge!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page