Dahil sa mga ex ni mister… DJ MO, HINIWALAYAN NI ANGELIKA SA 3RD ANNIV NILA
- BULGAR

- Jul 8, 2024
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | July 8, 2024

Ibinulgar na ni DJ Mo Twister na sa mismong araw ng kanilang wedding anniversary siya hiniwalayan ng kanyang misis na si Angelika Schmeing o mas kilala bilang Angelicopter.
Pahayag niya, “I got dumped on our third-year wedding anniversary."
Dagdag pa niya, “That day, I don’t think she knew it was our wedding anniversary. So, that s*cks for me.”
Nagkaroon ng espekulasyon na may problema na sa relasyon nina Mo at Angelika nang mapansin ng mga netizens na hindi na nagbibigay ang dalawa ng updates sa social media tungkol sa kanilang relasyon.
Sagot naman ni Angelicopter ay may dalawang artistang babae na nag-host sa podcast ni Mo na sangkot umano sa hiwalayan nila.
Sey ni Angelicopter, “We've had disagreements before, but he never done this where he would have his ex f*b*s on the show.
“I think ‘coz Mo knows it's done and he's not willing to go to counselling.
“I've asked him since January.”
Well, nagkaroon sila ng kasunduan na hindi na makikipag-communicate o puputulin na ni DJ Mo ang ugnayan nito sa kanyang mga ex.
Pero ano ito? 'Di nga ba sumunod si DJ Mo Twister kaya humantong sa hiwalayan ang relasyon nila ng kanyang misis? ‘Kaloka!
Ayaw na raw ni Criza Taa na pag-usapan si Andrea Brillantes sa presscon ng Season 2 ng Zoomers kung saan tinanong siya tungkol sa friendship nila ng ABCD (Andrea, Bea Borres, Criza, Danica Ongtengco).
Sey ni Criza, “Ayoko na po as much as possible, ayoko na pong mag-comment!”
May bago na raw siyang set of friends at masaya na raw siya rito.
Ang reaksiyon naman niya sa tanong na kung dyowa na ba niya si Harvey Bautista.
“Ay, grabe naman!” sagot ni Criza.
“Biglaan naman ang tanong. Hahahaha!” reaksiyon ni Harvey.
“We’ll see. Hahahaha!” sagot ni Criza.
“Sobrang nagulat din kami since first time namin ni Harvey bumida sa series. As much as nag-e-expect kami, nandu'n pa rin ‘yung gulat na mamahalin pala ng tao ‘yung ginawa namin together,” saad ni Criza.
Sey naman ni Harvey, “Very thankful kaming lahat na nandito na kami sa media conference ng Season 2. It is very exciting that we can continue the stories of the Zoomers. I’m happy that I’m with Direk Kevin and the rest of the cast in Season 2.”
Friendship over na nga ba ang ABCD? (Andrea, Bea Borres, Criza, Danica Ongtengco).
Ano'ng issue kaya kung bakit humiwalay na si Criza Taa sa grupo? 'Di kaya nagsimula ito nang magka-issue si Andrea Brillantes kay Daniel Padilla? ? Since then ay ‘di na nakikitang magkakasama ang ABCD.




Comments