top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil sa katamaran, nadudungisan ang pangalan ng lingkod-bayan

BULGAR
Jun 29, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 29, 2022


Hindi katanggap-tanggap ang intelligence report na dumadawit kay incoming Navotas Cong. Toby Tiangco at iba pang personalidad bilang ‘di umano’y “protektor” ng smuggling ng agri-fishery products na umaabot sa P665.7-million mula 2019 hanggang 2022.


Personal nating kilala si Cong. Toby at pamilyar tayo sa kung gaano siya kaaktibo at kahigpit sa pagkontra sa smuggling sa Navotas.


Bilang mayor ng Navotas mula 2019-2022, siya na nga mismo ang sumulat sa Department of Agriculture para i-report ang mga kaso ng smuggling. Mismong Navotas city government na rin ang nagsampa ng kaso sa Department of Justice laban sa mga smuggler dahil tila hindi umaaksyon ang DA tungkol dito.


☻☻☻


Kaya tayo naguguluhan sa pagkakasama sa pangalan niya sa listahan na isinumite ng National Intelligence Coordinating Agency sa Senado.


Halos walang detalye at paliwanag ang report na isinumite ng NICA sa kung ano ang partisipasyon ng mga pangalang isinama nito sa listahan.


Tinawag na ang pansin ng NICA sa nakaraan dahil sa ganitong klaseng trabaho, na tila ba nais nilang tanggapin na lang ng Senado ang ibinibigay nila kahit walang paliwanag sa proseso at kung tunay nga bang na-cross-check at validate ang mga impormasyon na ipinapasa nila.


Sa katunayan, nakita na rin natin dati ang mga NICA report na nagbuhat sa mga pekeng source at social media post lamang. Marami na rin ang nag-backfire na intel reports dahil sa kawalan ng fact-checking at vetting sa mga hindi mapagkakatiwalaang source.


☻☻☻


Ngayong may bago tayong administrasyon, umaasa tayong magkakaroon din ng pagbabago sa paraan ng pagkalap ng intelligence ng NICA at iba pang ahensya.


Dahil sa katamaran at kapalpakan ay nadudungisan ang malinis na pangalan ng lingkod-bayan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page