top of page

Dahil sa flood control projects… HERLENE, GUSTO NA LANG MAG-CONTRACTOR KESA MAG-ARTISTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Septeber 4, 2025



Dina - IG

Photo: Herlene Budol - IG


Nag-viral ang banat ng aktres at beauty queen na si Herlene Budol tungkol sa flood control projects matapos patulan ng isang netizen ang kanyang biro sa Facebook (FB).

Aniya, “Parang gusto ko tuloy maging contractor na lang kesa mag-artista.”


Ibinahagi rin ni Herlene na may nag-private message sa kanya dahil sa kanyang post na magpapalit daw siya ng tatahaking career.


Kuwento pa ni Herlene, “Natawa naman ako may nag-PM sa akin, ‘wag ko daw gawin ang pagiging contractor. Komedyante po ako, kuya, sineryoso mo naman ang caption ko.”

Dagdag na biro pa ni Herlene, “Kung papipiliin ako between artista o contractor, baka ikaw pa piliin ko, kuya. I love you. Hahaha!”


Maraming netizens ang natawa sa post ni Herlene at isa na nga rito ang dati niyang manager na si Wilbert Tolentino.


Basta si yours truly, kung saan ka masaya, Herlene, suportahan taka. 

Char! Patola lang!  


Pak, ganern!



BEAUTY and brains — ito lang ang masasabi ni yours truly sa nag-iisang Chief Public Attorney of the Philippines, Atty. Persida V. Rueda-Acosta.


Pinarangalan siya ng Highest Achievement in Public Service Award sa 6th Laguna Excellence Awards na ginanap noong Agosto 24, 2025 sa Grand Ballroom ng Seda Hotel Nuvali.


Atty. Acosta has dedicated her life to ensuring that justice is accessible to every Filipino, especially the marginalized and underprivileged. 


Her unwavering commitment, integrity, and passion for public service truly embody the spirit of leadership and compassion.


Ang pagkilalang ito ay hindi lamang testamento sa kanyang kahanga-hangang karera, kundi inspirasyon din para sa lahat ng Pilipino na maglingkod nang may puso at layunin.


Congratulations Atty. Persida V. Rueda-Acosta, a true icon of justice and public service. 


I salute you!



MATIKAS na action star ng showbiz industry at astig na senador ng Pilipinas si Sen. Robin Padilla.


Subalit kapag katabi na niya ang mother dearest na si Lolita Eva Cariño ay lumalabas ang tunay na pagkatao niya.


Napakamapagmahal at mabait na anak si Sen. Robin, ‘di ba naman, Mariel Padilla? 

For sure, “Yes!” ang isasagot ni Mariel. Wanna bet? 


Nagbahagi sa kanyang Facebook (FB) page si Sen. Robin ng video clip na kinakantahan niya si Mommy Eva habang nakaupo ito sa wheelchair.


Aniya, “Sa kanya ko natutunan ang halaga ng disiplina, respeto, at pagmamahal sa kapwa. Ang lahat ng aking ginagawa ay handog ko po sa kanya bilang pasasalamat sa kanyang sakripisyo at walang hanggang gabay.”


Ito ang kantang inawit ni Sen. Robin para sa kanyang mother dearest…“Mama, mama, you know I love you… Mama, Mama, you're the queen of my heart… Your love is like tears from the stars, yes, it is…


“Mama, I just want you to know, lovin’ you is like food to my soul… Yes it is, yes it is…”

Sana all ay may anak na tulad ni Sen. Robin Padilla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page