top of page

Dahil sa fillers… LABI NI HEART, MAS MALAKI NA KESA KAY ANNE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 25, 2025



Heart Evangelista at Anne Curtis-Smith - TikTok

Photo: Heart Evangelista at Anne Curtis-Smith - TikTok



Nagkasama sina Heart Evangelista at Anne Curtis sa Thailand para sa isang event. Hangang-hanga ang mga netizens sa magandang samahan ng dalawang aktres.


Ani Heart sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Margaret and Stephanie Take Thailand.”

Post naman ni Anne sa Instagram (IG), “Aquarius szn (season) came early.”

Komento ng mga fans…


“40s pero ang gaganda at bata pa rin nila tingnan.”

“Super-ganda at charming ni Anne. Iba ‘yung appeal, grabe.”

“Masaya ang aming puso ni Margaret at Stephanie (ang karakter nila sa seryeng Hiram).”

“Ito ang mga legit fashionista and kikay since teens!”

“Heart x Anne para sa Tiffany & Co. Galing!”

“Dapat nilang muling likhain ang kanilang Hiram teleserye photos.”

“‘Yung mas malaki na lips ni Heart kesa kay Anne. Hahahaha! Fillers pa more.”

“Ang mga queen ng teleserye noon.”


Ganern? Mas malaki na raw ang lips ni Heart Evangelista kay Anne Curtis. Hahahaha!

Ibinida ni Herlene Budol ang kanyang bagong milestone sa isang glamorosong birthday shoot para sa kanyang ika-26 na kaarawan, kuha ng photographer na si Amanda Claire.

Blonde ang hair at chic na damit ang suot ng birthday girl at very confident na nag-pose habang ibinabalandra ang kanyang sexy body.


Caption ni Herlene, “20 something!! Happy birthday sa babaeng may something.” 

Pinaulanan tuloy siya ng birthday greetings ng kanyang mga tagahanga.


Si Herlene ay nakilala bilang “Hipon Girl”. Nadiskubre siya nang sumali bilang contestant sa Wowowin, ang programa ni Willie Revillame. Natuwa si Kuya Wil sa kanya, kaya kinuha niya itong guest lady co-host ng game show.


Dahil may pagka-komedyante, nagustuhan siya ng mga manonood at kinalaunan ay pinasok na rin ang pag-aartista. 


At dahil may kakaibang ganda, sumali siya sa beauty pageant at naging first runner-up sa 2022 Binibining Pilipinas kung saan humakot din siya ng special awards. Nakoronahan din siya bilang Miss Philippines Tourism 2023 sa Miss Grand Philippines.

Nang lumaon, nag-concentrate na siya sa pag-arte sa pangangalaga ng GMA-7. Ang dating ‘squammy girl’, tulad ng lagi niyang sinasabi noon sa programa ni Kuya Wil ay malayo na ang narating.



SI Nadine Lustre ang nanalong Best Supporting Actress sa nakaraang 73rd FAMAS 2025 na ginanap sa Manila Hotel. Ikatlong award na ito ng aktres sa nasabing

prestigious award-giving body.


Nanalo siya para sa pelikulang Uninvited, kung saan kasama niya sina Vilma Santos-Recto at Aga Muhlach. Tinalo niya ang iba pang aktres tulad nina Isabel Sophie Ng, Eugene Domingo, Alessandra de Rossi, Claudine Barretto at Mylene Dizon.


Sa kanyang career, nanalo na siya ng Best Actress awards mula sa Asian Academy Creative Awards 2019, sa FAMAS noong 2019 at 2023, Gawad Urian noong 2019, Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, at Star Awards for Movies 2024.


Sa kanyang acceptance speech, ipinahayag niya ang pasasalamat sa pagiging nominado kasama ng mga alamat ng industriya. Iniaalay niya ang kanyang award sa Mentorque (ang production company ng pelikulang Uninvited), sa kanyang pamilya, mga tagahanga, at sa Viva. 


Espesyal din niyang binanggit ang boyfriend na si Christophe Bariou.

Aniya, “Medyo matagal na rin po ako sa industriya pero marami po akong napagdaanang ups and downs. I spent a lot of time and years waiting for the right break.” 


Inamin niya na may mga pagkakataong gusto na niyang sumuko dahil parang imposibleng makamit ang kanyang mga pangarap.


“Gusto kong pasalamatan ‘yung sarili ko dahil medyo mahirap din naman po ‘yung pinagdaanan namin. Gusto kong pasalamatan na kahit anumang mangyari, ginawa ni Nadine lahat ng kaya niya, in all the ways that she can para maabot ‘yung dream na ‘yun,” dagdag pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page