Dahil sa career, pamilya at lalaki… SWEET, UMAMING 3 BESES NA-DEPRESSED, NAG-SUICIDE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 17, 2026

Photo: via Janiz Navida
Not just once but thrice palang dumaan sa depresyon ang comedian-host at ngayon ay playwright na ring si John “Sweet” Lapus.
Inamin ‘yan ni Sweet nang makatsikahan namin after ng announcement ng Puregold Teatro Panalo last October 14 sa Gateway Cineplex 16.
Isa ang isinulat ni Sweet na stage play na True To Life sa mga pumasok sa 12 finalists ng Teatro Panalo ng Puregold.
“Sobra ang pinagdaanan kong depression at mapapanood n’yo rito, ayokong i-preempt,” bungad ni Sweet.
“Sa career, sa pamilya, sa lalaki, nagsabay-sabay,” dugtong niyang dahilan ng kanyang depresyon.
Inamin din niyang nagkaroon siya ng suicide attempt at gusto rin daw niyang pumatay noon dahil sa bigat ng pinagdaraanan niya.
Nangyari raw ito sa kanya 20 yrs. ago at si Eugene Domingo lang ang nakaalam ng sitwasyon niya, na malaki ang naitulong sa kanya para makabangon, kaya parang tribute na rin niya kay Uge itong True To Life.
Kaya for sure, isa ang naturang stage play sa mga aabangan ng mga excited nang manood sa Puregold Teatro Panalo which is set on February 2027.
Si Ms. Ivy Piedad ang Festival Director ng Puregold Teatro Panalo with the help of Vincent de Jesus and Chris Cahilig.
Ibinuking ni Dingdong, naghahanap tuwing 3 AM… MARIAN, PANDESAL ANG PINAGLIHIAN SA ANAK
“Celebrity bakeshop” o “Bakeshop of the Stars” na palang maituturing ang 87-year-old na Kamuning Bakery na pag-aari ng Fil-Chinese businessman-writer na si Sir Wilson Lee Flores.
Very successful kahapon ang ginanap na selebrasyon ng World Pandesal Day ng Kamuning Bakery kung saan naging special guest of honor ang MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation, Inc.) chairperson na si Ms. Boots Anson-Rodrigo, si ACT Teachers Party-list Representative Antonio "Tony" Tinio at ang Man of the World 2026 na si Oliver Kretz.
Nakausap namin si Sir Wilson, at aniya, taong 2015 pa pala nila sinimulan ang pamimigay ng free pandesal tuwing World Pandesal Day bilang kanilang share sa paglutas sa kagutuman sa Pilipinas at bilang pagpapaalala na rin daw para hindi makalimutan ng bawat Pilipino ang pandesal.
Ang tatlong unang naging special guests sa World Pandesal Day nu’ng Oct. 16, 2015 ay sina GMA-7 CEO Atty. Felipe Gozon (na kaedad na raw ng Kamuning Bakery), ang dating congressman at ngayon ay DepEd Sec. na si Sonny Angara, at ang former National Youth Commissioner at Kapuso actor-TV host na si Dingdong Dantes.
Nabanggit nga ni Sir Wilson na naikuwento raw sa kanya ni Dingdong na nu’ng buntis si Marian Rivera sa panganay nilang si Zia, everyday, tuwing 3 AM ay naghahanap ang aktres ng pandesal.
So, ‘yun pala ang pinaglihian ni Marian kay Zia.
Anyway, kaya namin nasabing “Celebrity Bakeshop” ang Kamuning Bakery ay dahil puro mga sikat at big time celebrities lang naman ang mga naging kostumer na rito like sina Pangulong Bongbong Marcos, VP Sara Duterte, dating VP Leni Robredo, Sen. Imee Marcos, Cong. Richard Gomez, sina the late Ms. Susan Roces (na paborito raw ang egg pie), Ms. Amalia Fuentes (pan de suelo naman ang paborito), Nida Blanca (suki ng pan de coco) at Gloria Romero, at Ms. Charo Santos-Concio (na minsan daw ay naka-pambahay lang ‘pag bibili ng tinapay).
Naabutan naman daw minsan ni Sir Wilson si Julia Barretto na bumibili ng tatlong tinapay sa kanyang bakery. Ginamit pa raw ni Julia sa vlog nito ang binili at ikinumpara sa tinapay ng ibang bakeshop, at proud si Sir Wilson na ang top 2 ni Julia ay galing sa Kamuning Bakery.
Samantala, sikat din sa KB ang pan de Nora na tribute sa the late Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Kaya tinanong namin si Sir Wilson kung kelan naman ilo-launch ang pan de Vilma. Natuwa siya at iimbitahin daw niya si Batangas Gov. Vilma Santos sa launching na aniya ay napakabait nang ma-meet niya nang personal at binigyan pa niya ng pandesal.
Dream din niyang makabisita si Coco Martin sa KB at pan de coco naman daw ang ibibigay niya sa Kapamilya action star, gayundin si Sen. Robin Padilla na never pang nakapunta sa Kamuning.
Kahit daw si the late Rudy Fernandez ay nakapunta na rin sa Kamuning Bakery. Favorite naman daw ng biyuda nito na si Ms. Lorna Tolentino ang egg pie.
Si Marian, “kalihim” ang paborito sa KB at ininterbyu pa si Sir Wilson. Si Anne Curtis, nag-baking session din sa bakeshop at nagtinda pa nga raw ng pandesal na nai-feature sa isang international lifestyle show.
Fan daw si Sir Wilson ni Anne na maganda na ay matalino pa. Mahilig daw kasi itong magbasa ng libro.
So, suggestion namin, sa dami ng celebrities na nakapunta sa Kamuning Bakery na may kani-kanyang kuwento, maganda sigurong ilagay sa coffee table book, devah?!





Comments