Dahil sa bomb threat.. Mga commercial airport, naka-heightened alert
- BULGAR

- Oct 7, 2023
- 1 min read
ni BRT @News | October 7, 2023

Inilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng 42 commercial airport sa bansa sa heightened alert matapos ang natanggap na bomb threat.
Ayon sa CAAP, isang email ang natanggap ng kanilang Air Traffic Service ang nagsabing isang aircraft mula Manila patungong Puerto Princesa, Mactan-Cebu, Bicol at Davao international airport ang pasasabugin.
Pinayuhan naman ang mga pasahero na maging handa sa pinaigting na security inspection sa mga paliparan.




Comments