top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

Dahil sa banat kay Sen. Robin… ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 hours ago
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 20, 2026



BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel Locsin & Mariel Rodriguez-Padilla & Anne Curtis

Photo: IG-FB Angel Locsin & Mariel Rodriguez-Padilla & Anne Curtis



Nakitaan na naman ng isyu sina Angel Locsin at Mariel Rodriguez. Ibig sabihin, binabantayan ang kanilang bawat kilos.


Hindi natapos sa pag-a-unfollow ni Mariel kina Angel at Anne Curtis sa Instagram (IG) ang isyu na nagsimula sa pagko-call out ni Angel kay Sen. Robin Padilla.


Ang bagong isyu ay ang pagla-like ni Angel sa post ng isang website sa balitang in-unfollow siya at si Anne ni Mariel sa IG.


Minarkahan pa ng red circle ang name ni Angel para makita ang kanyang pangalan na isa sa mga nag-like.


Ayun, na-trigger ang mga naghahanap ng isyu at kontrobersiya. May kumampi kay Angel dahil wala raw masama sa ginawa nito. Hindi siya nagpa-interview pagkatapos ng post niya patungkol kay Robin at hindi na uli nag-post.


Sabi naman ng kampi kay Mariel, parang dinagdagan ni Angel ang init ng isyu kung sakaling hindi magugustuhan ni Mariel ang ginawa niya.





NAG-CELEBRATE ng kanilang 8th anniversary as a couple sina Ruru Madrid at Bianca Umali. May common post ang dalawa, photo nila na ang caption ay: “Fit check ng 8 taon nang magkasama.”


Marami ang nag-congratulate sa dalawa at ang ibang well-wishers ay may kasamang tanong kung kailan sila magpapakasal.


Minsan nang nasagot ni Ruru ang isyung kasalan, hindi pa nila ito ipinaplano. 

Nabalita rin na gusto muna nilang magpagawa ng bahay at pinag-iipunan nila ito.


May kinalaman din ang very active career ng dalawa kaya hindi muna sila magpapakasal. 


Si Ruru ay sunud-sunod ang project. May dalawang pelikula siya at ang isa ay pang-Cinemalaya.


Nagte-taping din siya ng Hari ng Tondo (HNT), ang action series kung saan gaganap na kontrabida niya si Dennis Trillo.


Si Bianca, katatapos lang ng Sang’gre at may animation film na Ella Arcangel (EA) na boses niya ang ginamit sa karakter ni Ella.


Bata pa naman ang dalawa. Wedding can wait at dapat pagplanuhan nang husto.





NAGING usap-usapan online ang pag-iwan ng komento ng misis ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista sa Instagram (IG) post ng aktor.


Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa umano'y problema sa kanilang pagsasama nang mag-comment si Jamie sa joint Instagram (IG) post ni Baron kasama ang isang aesthetic clinic, kung saan makikita ang aktor na sumasailalim sa facial treatment.


Ani Jamie, “Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that.”


Bagama’t deleted na ang naturang komento, kumalat na ang screenshots nito sa social media. Dahil dito, marami ang nag-isip na posibleng nag-relapse si Baron, na dati nang umamin sa kanyang naging problema sa droga at alak.


Matatandaang noong Hulyo 2025, may balitang gumamit siya ng droga sa loob ng isang cubicle sa ABS-CBN bago siya humarap sa audience. Ikinuwento rin niya na humingi siya ng tulong sa kanyang mga kapatid upang maipasok sa isang rehabilitation facility, na nagsilbing simula ng kanyang recovery journey.


Inamin din noon ng aktor na isa pa rin siyang ‘recovering alcoholic’. Nilinaw din niya na karamihan sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya matapos ang kanyang rehabilitation, kabilang ang naging viral na away nila ni Kiko Matos noong 2016, ay diumano sinadya.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page