top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil pareho nang may asawa… JULIA, PALIT KINA SARAH AT ANNE SA VIVA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 2, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 2, 2020




Dahil pareho nang nag-asawa sina Sarah Geronimo at Anne Curtis na mga pambatong talents ng Viva Artist Agency, kay Julia Barretto muna mababaling ngayon ang atensiyon ng VAA.


Kinakitaan ng VAA ng malaking potensiyal si Julia kahit na may kaakibat na mga isyu at kontrobersiya sa kanyang pagkatao. Mabenta naman kasi si Julia bilang product endorser. May kakaiba siyang karisma at lagi ring in the news.


Kung maaalagaan nang husto ay aangat pa ang kanyang career. Dapat din siyang bigyan ng Viva ng magagandang projects.


Bentahe ni Julia na bata pa siya, fresh na fresh at dalaga pa. Mas maraming oportunidad na naghihintay sa kanya at magkakaroon ng tamang direksiyon ang kanyang career.


Sakali namang magbalik sina Sarah at Anne sa paggawa ng pelikula, iba na ang magiging senaryo dahil pareho na nga silang may asawa. Si Anne nga, may anak pa! Mamimili na lang sila ng role na babagay sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page