top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dahil papalapit ang Bagong Taon… Kaso ng asthma attack at iba pa, posibleng tumaas – PHAPI

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | December 28, 2022



Isang opisyal ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) ang nagpahayag na ang mga kaso ng asthma attacks at iba pang respiratory illnesses ay kadalasang tumataas sa panahon ng selebrasyon ng Bagong Taon dahil ito sa mga usok na naibubuga mula sa mga paputok.


“Normal po. Talagang tumataas ‘yan, especially right after the festivities, ‘yung mga putukan pong ‘yan. If you will look, dumadami talaga ang pollution because of the firecrackers, eh tumataas talaga,” sabi ni PHAPI President Dr. Jose Rene de Grano sa isang public briefing.


“Ito ay masamang-masama doon sa may mga asthma, sa mga may respiratory illness,” dagdag niya.


Payo ni De Grano sa may mga asthma at respiratory illnesses, manatiling nakasuot ng kanilang face masks lalo na kapag may mga fireworks displays.


Nanawagan din ang opisyal ng PHAPI sa publiko na salubungin ang 2023 nang mas ligtas sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga firecrackers o paputok.


“Iwasan na po natin kung maaari itong paputok nang sa ganun ay hindi pa ito dumagdag sa ating mga problema later on in the coming year. Huwag na tayong magpa-putok nang sa ganun ay mas ligtas tayo,” saad ni De Grano.


Batay sa latest data ng Department of Health (DOH), sa ngayon mayroon nang 32 fireworks-related injuries na nai-record mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28.


Ang bilang na ito ay 39% na mas mataas kumpara sa mga kaso na nai-record sa parehong panahon noong 2021.


Nitong Lunes, sinabi ni De Grano na ang mga pribadong ospital sa buong bansa ay naka-alerto na sa ngayon sa pagtanggap ng mga pasyente na maaaring makaranas ng fireworks-related injuries habang papalapit na ang Bagong Taon.


Kaugnay nito, isinailalim na rin ang mga pampublikong ospital sa buong bansa sa code white alert para sa posibleng firework-related injuries. Ibig sabihin ang mga emergency services ay naka-standby na 24/7, habang on call for duty naman ang mga doktor at mga nars.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page