top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil nabahiran na, survey na pakulo ng isang convenience store dapat stop

BULGAR
Mar 14, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 14, 2022


DAPAT ITIGIL NA NG ISANG CONVENIENCE STORE ANG SURVEY NILA DAHIL NABAHIRAN NA ANG PAKULO NILANG ITO – Dapat nang itigil ng isang convenience store ang pakulo nilang pa-survey sa mga presidentiables, na ang tema ay paramihan ng mauubos na cup na may mga mukha ng kandidato, na kung sino ang maraming cup na mauubos ay 'yun ang mananalo sa kanilang pa-survey.


Nabahiran na kasi ng "anomalya" ang pakulo nilang ito matapos na may magreklamong kostumer at mag-viral sa social media ang reklamo nito na ang cup ng kandidato niya ang kanyang pinili, pero ibang kandidato ang lumabas sa resibo.


Para tapos na ang usapan at matigil na ang pamba-bash sa convenience store na inakusahang nandadaya raw, ang dapat gawin ng establisimyentong ito ay i-stop na ang pakulo nilang ito, period!


◘◘◘

SA LAHAT NG ABOGADO, SI SARA DUTERTE ANG 'ATRAS' SA DEBATE – Ang mga abogado ay sanay sa debate, at sa kabila na siya ay isang abogado, ay sinabi ni vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte na never siyang dadalo sa mga debate para sa pagka-vice president, at ayon sa kanya, itutuon na lang daw niya ang kanyang kampanya sa mga political rally at motorcade.


Hay naku, naturingang abogado si Mayor Sara, pero atras siya sa debate, boom!


◘◘◘

SAN BEDA HINDI PROUD SA PAGTAKBONG VP NI SARA KASI NI-REJECT NILA KANDIDATURA NITO – Sina presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo at VP candidate Sen. Kiko Pangilinan ang manok ng San Beda College sa halalang 2022.

Walang isyu kung si VP Leni ang bitbit ng San Beda College at hindi sina presidential candidates, former Sen. Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson kasi pare-pareho naman silang hindi nag-aral sa unibersidad na ito, pero ang kataka-taka ay 'yung kay Mayor Sara kasi d'yan siya nag-aral at nagtapos ng abogasya, tapos ni-reject ang kandidatura niya at ang inendorso ay ang kalaban nito sa pagka-VP na si Pangilinan na taga-UP (University of the Philippines).

Dapat proud ang San Beda kay Mayor Sara dahil estudyante nila ito na kandidato ngayon sa pagka-VP, pero ni-reject nga siya, at kung anuman ang dahilan ng pamunuan ng unibersidad na ito at tinabla nila ang kandidatura nito, ay silang mga taga-San Beda na lang ang nakakaalam, period!


◘◘◘

SA KARI-RED TAGGED SA KAMPO NI VP LENI, NAAKUSAHAN TULOY SI LACSON NA 'ATTACK DOG' NG MALACAÑANG – Matapos i-red tagged ni Lacson ang ilan sa mga dumalo sa political rally ni Robredo sa Cavite, ay inakusahan ng CPP (Communist Party of the Philippines) ang senador na attack dog daw ng Malacañang laban kay VP Leni.

'Yan tuloy napala ni Lacson sa kari-red tagged sa kampo ni VP Leni, naakusahan tuloy siyang attack dog ng Malacañang laban kay VP Leni, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page