Todo-tanggol pa noon sa mister sa pangha-harass kay Rita… GEE, IBINULGAR NA HIWALAY NA SILA NI ARCHIE
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | February 7, 2026

Photo: IG _geecanlas
Mukhang hiwalay na nga ngayon ang aktres na si Gee Canlas sa mister niyang si Archie Alemania dahil sa post niya kahapon sa Instagram (IG). Pinagpiyestahan nga ng mga netizens at umingay muli ang kasong sexual harassment na isinampa ni Rita Daniela sa aktor-comedian dahil sa naging post ni Gee.
Mababasa sa mahabang post na mabigat ang pinagdaanan ni Gee noong nakaraang taon.
Aniya, “This past year was rough. No need for specifics — some things are meant to be processed alone. But I lost parts of myself, held on longer than I should have, and learned the hard way what it costs to keep showing up while quietly disappearing,” ani Gee.
Feeling free na nga ngayon si Gee na makikita sa kanyang photoshoot na bakas ang saya.
Lalong nagpatindi sa usap-usapan nang kinumpirma ni Gee na siya ay solo parent na sa anak nilang si Caleb.
“I’m choosing to love myself with the same consistency and effort I give others, and I’m no longer making myself smaller for anyone. I want to show up more. For myself, for Caleb, for the people I love, and for the work that’s always felt like home to me. That’s the only way I can be fully me as a daughter, sister, a friend, a woman… as a solo parent,” pahayag ni Gee.
Dagdag pa sa post niya, “Happy REBIRTHday to me.”
Well, check n’yo ang Instagram (IG) feed ni Gee, waley o deleted na ang mga pictures nila ni Archie.
Noong nakaraang Pasko, hindi rin siya kasama sa Christmas post ni Gee na kasama si Caleb at ang kanilang alagang aso, na lalo pang nagpapatibay sa hinalang hiwalay na nga ang dalawa.
Dati, ipinagtatanggol pa ni Gee si Archie sa harrassment issue kay Rita Daniela, pero ngayon, hiwalay na sila. So mukhang natauhan na ang aktres.
Matatandaang noong Oktubre 24, 2025, napatunayang guilty si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela, kung saan may ebidensiyang sumusuporta sa testimonya ng aktres, kabilang ang text message ng paghingi ng tawad na itinuring ng korte bilang pagtanggap ng kanyang pagkakasala.








Comments