Dahil lantaran na ang relasyon… KYLINE AT KOBE, NAGING MABENTA SA MGA SHOWS
- BULGAR
- Aug 18, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 18, 2024

Sa kabila ng pagiging baguhan ni Kobe sa mundo ng showbiz, ang kanyang pangalang kilala sa larangan ng basketball ay umaani na ng pansin hanggang sa showbiz.
Excited si Kyline sa kanilang upcoming project sa Taiwan, kung saan magkasama silang magtatrabaho.
Dahil pareho silang mahilig kumain, inaasahan na ang food trip ay magiging isa sa kanilang bonding activities.
Hindi pa tinutukoy kung ang kanilang proyekto ay isang commercial shoot o isang show, pero tiyak na malaking tulong ito sa kanilang career.
Ito pa lamang ang simula ng magandang pagsasama nila sa isang proyekto, at tiyak na ang kanilang kilig factor at hatak sa fans ay magdudulot ng marami pang magagandang oportunidad sa hinaharap.
Hindi makakalimutan ni Yorme Isko Moreno ang veteran politician at dating vice-mayor ng Maynila, si Danny Lacuna. Si Lacuna raw ang unang nagtiwala kay Isko noong siya ay baguhang konsehal pa lamang ng Maynila.
Marami ang humamak noon kay Isko dahil sa kakulangan niya sa edukasyon. High school lamang ang kanyang natapos at hindi nakatapos ng kolehiyo.
Pinayuhan siya noon ni VM Danny Lacuna na mag-aral kung nais niyang magtagumpay sa larangan ng pulitika. Si Lacuna rin ang kumuha kay Isko upang maging running mate niya bilang vice-mayor ng Maynila nang tumakbo itong mayor.
Sa kabila ng kakapusan sa pera at campaign funds, lumusot si Isko dahil sa tiwala ng mga Manilenyos. Ngayon, magbabalik si Isko Moreno at tatakbong mayor ng Maynila, kung saan makakalaban niya ang anak ng kanyang mentor, si Honey Lacuna.
Nagtataka ang mga netizens, kung malaki ang utang na loob ni Isko sa yumaong si Danny Lacuna, at kung paano ito makakaapekto sa darating na eleksyon.
Comments