Dahil kina Vice at Ion… IT'S SHOWTIME, IPINABOBOYKOT NA RIN NG MGA MAGULANG
ni Ambet Nabus @Let's See | September 14, 2023

Para sa ilang netizen at televiewers ng It's Showtime, a simple 'sorry' from Vice Ganda et al. would ease out some pain and hurt sa mga taong nagsasabing nasaktan at nainsulto sa act ng TV host-comedian at ni Ion Perez.
But then again, kung naniniwala naman ang tropa nina Vice na wala silang dapat ipaghingi ng apology, why would they say so or do it?
Marami na ang nasasangkot sa isyu, na kahit ang GMA-7 ngayon ay kinukuwestiyon ng ilang sektor kung bakit nakipag-collab pa raw ang mga ito sa programa by giving them the GTV airtime slot?
May mga grupo pa nga ng mga lolo na balitang nagsampa ng kaso laban kina Vice at Ion, matapos ngang magbigay ng kanyang opinyon si dating Senador Juan Ponce Enrile.
Si Enrile na bigla rin namang pinutakte ng mga netizens dahil wala umano itong karapatang tawaging ‘bastos, salaula, malaswa o masagwa' si Vice dahil nag-a-apply din umano ‘yun sa dating senador.
Ang latest naming nabalitaan ay may mga grupo rin ng mga konserbatibong magulang na nang-eengganyo sa mga may anak na i-boycott daw ang Mini Miss U at Isip Bata portions ng show?
Nakakaloka, pero parang may iba na kaming nase-sense sa mga ganitong galawan, if ever mang totoo ang mga ito?





Comments