Dahil kay ‘Karding’… Gov’t work at klase sa NCR, walang pasok sa Set. 26 – P-BBM
ni Lolet Abania | September 25, 2022

Isinuspinde na ang mga trabaho sa gobyerno at mga klase sa lahat ng levels sa Luzon sa bukas, Setyembre 26, bilang pag-iingat sa paghagupit ng Super Typhoon Karding at bago pa ito unang mag-landfall sa bansa.
Sa isang Facebook post ngayong Linggo, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inaprubahan niya ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na suspendihin ang mga trabaho sa gobyerno at mga klase sa Metro Manila, kabilang din ang Regions 1, 2, 3, CAR, Calabarzon, Mimaropa, at 5 sa Lunes, Setyembre 26.
“I have received and approved the recommendation of NDRRMC to suspend classes and work as specified in their letter,” pahayag ni Pangulong Marcos sa socmed post.
Sinabi naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na isang memorandum aniya, “shall be issued later today.”
Sa rekomendasyon din ng NDRRMC, ipinauubaya nila ang diskresyon sa mga private companies na isuspinde ang kanilang mga trabaho.
Inaasahan na si Karding ay tatama sa northern portion ng Quezon o sa southern portion ng Aurora province ngayong Linggo ng gabi, na posibleng maagang mag-landfall sa Polillo islands, ayon sa PAGASA.





Comments