Dagsang investment dahil sa state visits, dapat ikayaman ng ‘Pinas at ‘di ng mga nakaupo
@Editorial | Pebrero 13, 2023
Ibinibida ng administrasyon na ‘mala-tsunami’ raw ang buhos ng mga investments sa bansa matapos ang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Japan.
Hindi lang daw mga dati nang kumpanya, ngunit may mga bago ring nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.
Patunay umano ang 35 kasunduan at letters of intent na nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Nasa 1,500 na Japanese business firms pa umano ang nais dumalo sa naturang pulong, ngunit hindi na magkasya sa venue.
Masarap pakinggan at nakaka-excite sa tuwing ibinabalita ng gobyerno ang bilyones na naiuuwi ng Pangulo mula sa kanyang mga pagbisita sa iba't ibang bansa. Pero, sana lang ay maramdaman ito agad ng mga Pinoy, lalo na ng mahihirap.
Kung todo-bida sila na aangat na ang ekonomiya, umaasa tayo na sa mga susunod na taon ay talagang may pag-asenso na.
Mahirap naman na sila't sila pa rin ang nagsisiyaman habang ang ibang kababayan, nganga.
Umaasa tayo ng mas maraming trabaho at oportunidad sa paghahanapbuhay.



Comments