top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dagsa na naman ang mga pasyente sa Ospital, ingat pa more!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 05, 2022



MALAKING isyu ngayon ang Omicron.


Mag-ingat pero huwag mag-panic!


◘◘◘


SA kabila ng muling pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, sinabi ni Dra. Minguita Padilla na posibleng Omicron variant na ang kumakalat sa mga komunidad.


Pero hindi aniya ito dahilan upang mag-panic ang publiko!


◘◘◘


ANIYA, “Dumarami ang nagpapa-test sa mga ospital para sa COVID-19, mabuti na lang at karamihan sa mga ito ay nakararanas lamang ng mild symptoms at ang iba ay asymptomatic pa.”


Ibinunyag pa ng doktora, may nakausap siyang mga doktor sa malaking pribadong ospital sa Maynila kung saan 45 indibidwal ang nagpositibo sa COVID-19, ngunit tatlo lamang ang may sintomas na kinailangang ma-admit bilang pasyente!


◘◘◘


PINAKAMAHALAGA pa rin ang massive vaccination.


Malaking bagay ang pagbabakuna ng marami sa NCR.


Sakali aniya marami pa ang hindi nababakunahan, mas marami pa ang nao-ospital ngayon!


◘◘◘


NABABAHALA rin si Dra. Padilla na darami pa ang mahahawa tulad sa ibang bansa.


“Kung pagbabasehan natin ang surge sa South Africa, asahan nating talagang tataas ang mga kaso in 4-weeks, pero bababa rin agad ito matapos ang dalawang linggo,” sabi pa ni Padilla.


◘◘◘


SUMASANG-AYON siya sa panukalang limitahan ang paglabas ng mga hindi pa na nababakunahan.


“Unfortunately, ‘yung mga hindi pa bakunado ang delikado sa panibagong surge na ito,” paliwanag ni Padilla na senatorial candidate ng Partido Reporma.



Dagdag pa ng doktora, “Malaki rin ang tsansa na sa kanila manggaling ang iba pang variants ng COVID-19 at posibleng ilan sa variants ay mas nakahahawa pa o posibleng mas nakamamatay pa sa Omicron.”


◘◘◘


HINIMOK ni Padilla ang Food and Drug Administration (FDA) na aprubahan ang home testing sa pamamagitan ng mga validated and accredited antigen test kits, lalo pa’t karamihan ay mildly symptomatic o asymptomatic.


Kung sakaling magpositibo ang mga ito, maaari silang mag-isolate sa kani-kanilang bahay upang maiwasan ang pagpuno ng mga ospital!


◘◘◘


“MAAARING ma-distribute ang mga antigen test kits sa mga barangay at gawin na nating libre ang testing.


Ang mga may sintomas na nag-positive sa antigen test, hindi na kailangan ng RT-PCR — confirmed na ‘yan.


‘Yung mga asymptomatic na may exposure at may sintomas na nag-negative sa antigen ay maaaring magpa RT-PCR para makasigurado.”


◘◘◘


KAILANGANG dagdagan ng mga ospital ang kanilang online consultations, lalo na’t karamihan sa mga bagong kaso ay may mild symptoms lamang.


Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga pagamutan.


Naniniwala si Padilla na hindi na ganun kahalaga ang pagtutok sa number of infections.


Mas mainam aniyang matutukan ang dami ng mga nao-ospital.


Ganito na aniya ang ginagawa ng ibang bansa tulad ng Singapore!


◘◘◘


PUWEDE pa rin tayong mamuhay ng normal kahit may COVID-19, kailangan lang nating magpabakuna at maging responsable sa ating mga pagkilos.


Maghugas ng mga kamay, magsuot ng facemask sa mga pampublikong lugar at iwasan ang paglabas kung may sintomas — kailangan pa rin nating pagpatuloy ang mga gawaing ito!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page