Dagdag-suweldo sa mga guro ang dapat ang hinihirit ni VP, DepEd Sec. Sara, hindi confi funds
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 10, 2022
MABUTI PA NOONG PANAHON NI NOYNOY MAY DAGDAG-SUWELDO ANG MGA GURO, SA PANAHON NINA DUTERTE AT MARCOS, 'NGANGA'—Sa selebrasyon ng "Teacher's Day" noong October 5, 2022 ay hiniling ng mga guro sa pamahalaan na dagdagan ang kanilang buwanang suweldo, pero ang problema ay dedma ang gobyerno.
Sa totoo lang, mabuti pa noong panahon ni Noynoy ay kabilang ang mga guro sa mga nakinabang sa dagdag-suweldo sa pamamagitan ng executive order no. 201 at salary standardization law, pero sina ex-P-Duterte at P-BBM ay dedma lang.
◘◘◘
DAPAT ANG IPAGLABAN NI VP, DEPED SEC. SARA AY DAGDAG-SUWELDO SA MGA GURO AT HINDI ANG KANYANG CONFIDENTIAL FUNDS—Bilang Department of Education secretary, dapat dagdag-suweldo ng mga guro ang hinihirit ni Vice-President, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio.
Kaya lang, dedma siya at sa halip, ang hinihirit niya ay magkaroon ng confidential fund na P500 milyon sa Office of the President (OVP) at P150 milyon naman sa kanyang tanggapan sa DepEd.
◘◘◘
PABOR ANG MGA KAPITAN SA 'NO EL' SA DEC. 5, 2022 KASI SILA ANG MAKIKINABANG SA POSTPONEMENT NITO—Pabor ang Liga ng mga Barangay (LNB), asosasyon ng mga kapitan ng barangay, na ipagpaliban ang barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections na nakatakda sana sa Dec. 5, 2022.
Siyempre, pabor silang walang halalang pambarangay sa Dec., 2022 kasi sila ang makikinabang.
◘◘◘
BIGTIME OIL PRICE HIKE, DAGDAG-DUSA SA MAMAMAYAN—May bigtime oil price hike na naman na ipatutupad ngayong linggo.
'Yang bigtime oil price hike ay bigtime dusa rin sa mamamayan kasi ang kaakibat niyan ay dagdag-presyo ng mga bilihin at bayarin.





Comments