top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dagdag-singil sa income tax ng mga mambabatas, dapat lang

BULGAR
Aug 21, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 21, 2022


DAPAT MAGTAAS DIN NG SINGIL ANG INCOME TAX NG MGA CONG. KASI MALAKI ANG KITA NILA—Bukod sa planong buwis sa mga online sellers, isinulong ni Albay Rep. Joey Salceda, na taasan ang excise tax sa mga alak.


Pambihira talaga ang mga nasa gobyerno, wala nang inatupag kundi magpataw ng tax na ang tinatamaan nama'y ang mamamayan.


Sana, para patas ay magtaas na rin ng singil ang gobyerno sa income tax ng mga kongresista kasi karamihan sa mga 'yan ay tumaas ang income mula nang matawag na "cong."


◘◘◘


'SUNTOK SA BUWAN' ANG PANUKALANG P10-K AYUDA NINA CAYETANO AT VILLANUEVA—Ang panukalang batas nina Sen. Alan Cayetano at Sen. Joel Villanueva na P10-K ayuda sa lahat ng mga Pilipino ay "suntok sa buwan" at maaaring kaya lang nila isinulong ito ay para masabing gusto nilang tuparin ang "pang-uunggoy" promise sa mga botante noong kampanya last elections.


Nasabi nating pang-uunggoy lang ang panukala nilang ito kasi kung inyong natatandaan, noong magpairal ng last lockdown ang Duterte gov't. sa National Capital Region (NCR) noong Aug. 2021 ay nahirapan ang pamahalaan, kung saan kukuha ng ipinangako nilang tig-P1-K ayuda sa bawat residente ng Metro Manila, kaya ang P10-K ayuda sa lahat ng Pinoy sa buong bansa ay "suntok sa buwan".


◘◘◘


KAANIB NG SUGAR CARTEL, DAPAT KASUHAN AT IPAKULONG NI P-BBM—Sunud-sunod ang ginawang pangre-raid ng Customs at pulis sa mga bodega ng mga sugar cartel at dito narekober ang libou-libong sako ng asukal na naka-hoard.


Mantakin n'yo, nagpa-panic ang publiko sa sobrang taas ng presyo ng asukal, na ang akala kaya nagmahal ang per kilo ay dahil may shortage. Pero 'yun pala, wala namang shortage kundi itinatago lang ng mga sugar cartel.


Ngayong nabulgar na ang ginagawa nilang pagho-hoard ng asukal, dapat kasuhan at ipakulong na sila ni PBBM.


◘◘◘


MALAMANG MANGUTANG NA NAMAN ANG PAMAHALAAN KAPAG LUMAGANAP ANG MONKEYPOX—May dalawang Pilipino na naman ang nagpositibo sa monkeypox at ang nakakabahala ay nagkaroon sila ng close contact sa 17 katao.


Nakupo, huwag naman sanang lumaganap ito sa Pilipinas kasi kapag hindi napigilan ang pagdami ng tinatamaan nito, tulad nang pananalasa ng COVID-19 sa bansa, baka lalong mabaon sa utang ang 'Pinas kasi maoobliga ang gobyerno na mangutang na naman bilang tugon sa paglaban ng pamahalaan sa ganitong uri ng virus.


At para hindi lumaganap ang virus, dapat sundin ang mga health protocols ng DOH.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page