top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Dagdag-sahod bitin pa rin vs. Taas-presyo ng bilihin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2023
1 min read

@Editorial | July 1, 2023


Bagama’t magandang balita para sa mga manggagawa ang naaprubahang dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR), aminado ang mga ito na maliit ang P40 na umento.


Una nang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang panibagong dagdag-sahod kung saan mula P570, ay magiging P610 na ang daily wage para sa non-agricultural sector, habang magiging P573 naman ang daily wage para sa agricultural sector.


Kabilang sa mga naging reaksyon ay bitin umano ang P40 na umento sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon. Sa liit daw ng idinagdag, halos hindi rin umano ito mararamdaman.


May mga grupo ng manggagawa na itinuturing na insulto ang desisyon dahil sa haba ng paghihintay ay kakarampot lang ang ibinigay.


Umaasa naman ang mga manggagawa na agad susunod ang kanilang employer sa ipinatupad na umento sa minimum wage.


Magiging epektibo ang dagdag-sahod simula sa Hulyo 16, 2023.


Samantala, sa panig naman ng mga employer, katulad din umano sila ng mga manggagawa na hirap pa rin dahil sa epekto ng pandemya.


May mga negosyo na hindi pa tuluyang nakakabangon at kapag hindi kinaya ang pagbibigay ng umento sa mga empleyado, puwedeng bumawi sa presyo sa produkto o serbisyo na taumbayan din ang sasalo, ‘di kaya’y magbawas ng tao, hanggang sa ang tuluyan nang magsara.


Ang ganitong senaryo ang isa sa mga isinasaalang-alang sa pagpapatupad ng taas-sahod, dapat balanse.


Kung magiging mas masigasig lang sana ang gobyerno sa paglaban sa kahirapan at mas matapang sa mga korup at nananabotahe sa ekonomiya, maayos sana ang takbo ng bayan, matagal na sana tayong nakabawi sa pandemya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page