Dagdag-pondo para sa mga pinsala ng bagyo
- BULGAR
- Nov 1, 2022
- 1 min read
@Editorial | November 1, 2022
Non-stop ang pasok ng mga bagyo. Hindi pa nga nakakalabas ang isa, may bago na namang sasalanta.
Kaya asahang mapapalaban talaga sa mga gastos. Kailangang buuin ang mga nawasak na bahay at kabuhayan.
Kaugnay nito, posible umanong magpatupad ng adjustment sa 2023 proposed national budget ang Kamara para mailaan sa rehabilitasyon bunsod ng iniwang pinsala ng bagyo.
Kailangan ang comprehensive assessment sa pinsala at lawak ng bagyo sa iba't bang bahagi ng bansa sakaling baguhin ang P5.268 trillion national budget para sa susunod na taon.
Naipasa na ng Kamara ang 2023 General Appropriations Bill at tatalakayin na ito ng Senado sa sandaling mag-resume ang sesyon sa November 7 bago sumalang sa bicameral conference committee.
Umaasa tayo na magiging maingat ang kinauukulan pagdating sa pagba-budget. Tiyaking mapupunta nang diretso sa mga biktima ng bagyo ang pondo.
Kailangang magtulungan para mas mabilis ang pagbangon ng mga kababayan natin mula sa panibagong hamon.



Comments