Dagdag-pensyon sa mga SSS pensioners, ibibigay na ngayong Hunyo
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
by Info @Buti na lang may SSS | May 31, 2026

Dear SSS,
Magandang araw! Nais ko pong malaman kung mayroon bang pension increase para sa aming mga pensioner ngayong taon, lalo na at tumataas ang bilihin? Salamat.
— Lola Inga
Mabuting araw sa iyo, Lola Inga!
Para sa kabatiran ng aming mga pensyonado ng Social Security System (SSS), ipatutupad ngayong taon ang ikalawang bugso ng dagdag pensyon na bahagi ng SSS Pension Reform Program (PRP) na inilunsad noong 2025 kung saan magbibigay ng pension increase tuwing Setyembre mula 2025 hanggang 2027.
Subalit ngayong taon, mas pinaaga ang pag-rerelease ng taas pension. Ipapatupad ang early pension increase sa unang araw ng Hunyo 2026, na orihinal na ipapatupad sana sa Setyembre upang mas maagang mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga pensyonado ng SSS.
Sa ilalim ng Pension Reform Program na ipinatupad noong nakaraang taon, may nakatakdang annual pension hike tuwing Setyembre mula 2025 hanggang 2027:
10% ang increase para sa retirement at disability pensioners; at
5% naman para sa mga death and survivor pensioners.
Ang maagang pagpapatupad ng dagdag pensyon ay bahagi din ng SSS expanded relief program upang makatulong sa pag-agapay sa ating mga miyembro kasama ang mga pensioners sa panahon ng pagtaas ng inflation at langis na dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.
Makakatanggap ng pension increase ang mga SSS pensioner simula Hunyo 1, 2026 para sa may contingency date na hanggang Mayo 31, 2026. Samantalang, matatanggap naman ng may contingency date na mula Hunyo 1 hanggang Agosto 31, 2026 ang taas-pensyon sa Setyembre 2026.
Tinatayang humigit kumulang na P6.5 bilyon ang karagdagang benepisyo ang ilalabas ng SSS mula Hunyo hanggang Agosto 2026 para sa early implementation ng pension increase.
***
Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.
Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.
Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.
***
Pinag-iingat ang mga pensyonado at miyembro laban sa mga taong nagpapanggap na taga-SSS. Hindi tatawag ang sinumang tunay na empleyado ng SSS at magpapadala ng isang link ng isang app para i-install sa kanilang smartphone mobile devices. Kumuha lamang ng tamang impormasyon sa mga official social media accounts ng SSS. Bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber, hanapin lang ang MYSSSPH. Maaari rin kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph .
***
Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph .
Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.
Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


Comments