top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Contribution sa SSS, maraming payment options

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

by Info @Buti na lang may SSS | September 27, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS,

 

Good day, I am a self-employed member and would like to ask kung saan-saan po ako puwedeng magbayad ng aking SSS contributions bukod sa SSS branch? May options ba kami for over-the-counter payment sa bangko, online banking, o mobile apps? Maraming salamat po.


— Tina





Mabuting araw sa iyo, Tina!

 

Hindi na kailangang pumila sa SSS branch para magbayad ng kontribusyon. Bukod sa mga SSS branch na may tellering facilities, marami ng bangko, accredited payment centers, at digital channels na may real-time posting ng payment gamit ang Payment Reference Number (PRN) ang maaaring puntahan o gamitin ng mga miyembro at employers.

 

Para sa voluntary at self-employed members, bukas ang opsyon na magbayad over-the-counter sa mga sumusunod na bangko: Asia United Bank (AUB), Bank of Commerce (BOC), Bank One Savings Corp., CIS Bayad Center, Inc., East West Rural Bank, Electronic Commerce Payments, Inc.,Gateway Rural Bank, Inc., Partner Rural Bank (Cotabato), Inc., Philippines Business Bank, Inc., Philippine National Bank (PNB), Pinoy Express Hatid Padala Services, Inc., Rang-ay Bank, Inc., Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Rural Bank of Hindang, (Leyte), Inc., Rural Bank of Lanuza (Surigao del Sur), Inc., SM Mart, Inc., Union Bank of the Philippines (UBP), Universal Storefront Services Corporation, Ventaja International Corporation, at Zambales Rural Bank, Inc.

 

Para sa online payment, gamitin ang mga website ng partner collecting partners: AltPayNet Corporation, Bank of the Philippine Islands, CIS Bayad Center, Inc., Land Bank of the Philippines, MYEG Philippines, Inc., Security Bank Corporation, and UBP.

 

Mabilis din ang transaksyon gamit ang mobile app ngAltPayNet Corporation, CIS Bayad Center, Inc., Security Bank Corporation, UBP, and Ventaja International Corporation.

 

Tandaan: Gamitin ang Payment Reference Number (PRN)

 

Upang maging real-time ang posting ng kontribusyon, siguraduhing may PRN bago magbayad sa anumang channel. Ang PRN ang nagsisilbing unique reference para sa bawat transaksyon at para maiwasan ang delays o mismatches sa records.

 

Sa ngayon, mas marami ng options o paraan para makapagbayad ng SSS contributions, ayon sa oras, lokasyon, at preference ng bawat miyembro at employer.

 

***

 

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.

 

Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.

 

Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

 

***

 

Pinag-iingat ang mga pensyonado at miyembro laban sa mga taong nagpapanggap na taga-SSS. Hindi tatawag ang sinumang tunay na empleyado ng SSS at magpapadala ng isang link ng isang app para ipa-install sa smartphone mobile devices. Kumuha lamang ng tamang impormasyon sa mga official social media accounts ng SSS. Bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber, hanapin lang ang MYSSSPH. Maaari rin kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 

Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page