Dagdag na non-teaching positions sa DepEd, good news
- BULGAR
- Sep 1, 2023
- 1 min read
@Editorial | September 1, 2023
Sa wakas, natugunan na ang matagal nang hinaing ng mga guro, ang mabawasan ang kanilang trabaho para mas makapagpokus sa pagtuturo.
Ito ay matapos aprubahan ng Department of Budget and Management ang paglikha ng 5,000 non-teaching positions sa Department of Education.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na manpower at masuportahan ang mga titser sa pagbibigay ng dekalidad na pagtuturo sa mga estudyante.
Batay sa ulat, sa pamamagitan ng 3,500 Administrative Officer (AO) II positions, tatanggalin na sa mga guro ang administrative tasks na sumusuporta sa mga operasyon.
Habang ang 1,500 Project Development Officer (PDO) I positions naman ang tutulong sa mga AO II at iba pang non-teaching personnel sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ilang programa, proyekto at aktibidad na pinangungunahan ng mga iskul o mandato ng DepEd Central Office.
Kapag nabawasan ang trabaho ng mga guro, mababawasan na rin ang kanilang pasanin na halos inuuwi pa ang trabaho para lang matapos.
Umaasa tayo na magiging maayos na ang sistema, mas mabibigyang tuon ang edukasyon.



Comments