top of page

Dagdag na 45 session kada taon sa dialysis patient, sagot ng PhilHealth

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 4, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | November 4, 2020




Pinag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kung paano palalawigin ang 90 session coverage ng dialysis patients sa gitna ng hindi pagtanggap ng ilang dialysis center sa mga pasyenteng may PhilHealth cards na naubos na ang covered treatment.


Sa inilabas na pahayag ng ahensiya ngayong Miyerkules, sinabi na humihingi na rin sila ng konsultasyon sa mga stakeholders upang maisakatuparan ang pagpapalawig nito.


Matatandaang noong isang linggo ay inihayag ng Dialysis PH Support Group Inc. na hindi na tinatanggap ng ilang dialysis center ang mga pasyenteng may PhilHealth card na naubos na ang 90 dialysis session.


Ayon kay Dialysis Group President Reynaldo Abacan, Jr., makakakuha ng libreng dialysis session hanggang Disyembre ang mga pasyente sa ilalim ng Bayanihan 2.


Ang regular na nakukuha ng bawat pasyente kada taon ay 90 session ngunit, pinalawig ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ideklara ang state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya naman bukod sa 90 session, makakakuha rin ang mga regular na miyembro ng 45 day coverage kada taon.


Noong Setyembre, pinalawig ni Pangulong Duterte ang state of calamity hanggang Setyembre 12, 2021. Ibig sabihin, kahit na naubos na ng pasyente ang 90 session ay obligasyon ng PhilHealth na bayaran ang additional session nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page