top of page

Marcoleta, bumuwelta sa mga pahayag ni Lacson tungkol sa “minority report”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 37m
  • 1 min read

by Info @News | January 24, 2026



Rodante Marcoleta at Ping Lacson - FB

Photo: Rodante Marcoleta at Ping Lacson - FB



Bumuwelta si Senator Rodante Marcoleta kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson kasunod ng inilabas na ‘Minority report’ sa gumugulong na imbestigasyon sa flood control anomalies.


Matatandaang sinabi ni Lacson na pambabastos sa komite at sa mataas na kapulungan ang ginawa ng minorya.


Bukod dito, sa basurahan umano ang bagsak ng naturang report.


Buwelta naman ni Marcoleta, dapat ay basahin muna ni Lacson ang nilalaman ng naturang report bago niya ito tawaging basura dahil malaki aniya ang maitutulong nito sa pagbuo ng report ng komite dahil binuo na nila ang lahat ng napag-usapan sa mga naunang pagdinig.


Giit pa niya, hindi sa 'basurahan' ang tungo ng minority report dahil bukod sa mga nilalaman nito ay isa rin itong paraan para itulak ang komite na bilisan ang paggawa ng sarili nilang committee report.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page