Dagdag-holiday para sa taong 2023 – P-BBM
ni Lolet Abania | November 16, 2022

Nag-isyu si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang proklamasyon na nagdedeklara sa mga karagdagang holidays habang nag-adjust ng iba pang non-working days para sa taong 2023.
Sa pag-amend ng Proclamation No. 42, ang Proclamation No. 90 ay nagdedeklara sa Enero 2, 2023 bilang isang special non-working day habang ang Abril 10 at Nobyembre 27, 2023 ay kinukonsidera na ngayon bilang regular holidays.
“There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the country,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Dahil ang Bagong Taon sa 2023 ay natapat ng Linggo, ayon kay P-BBM, “it is but fitting to declare January 2 (Monday) as an additional special non-working day throughout the country."
Sinabi rin ng Pangulo na ang Araw ng Kagitingan (Abril 9) ay tumapat din ng Linggo.
“To enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend, Monday, April 10, 2023, in lieu of Sunday, April 9, 2023 may be declared as a non-working holiday, provided that the historical significance of Araw ng Kagitingan is maintained,” paliwanag ng Chief Executive.
Samantala, ang Bonifacio Day, na inoobserba ng Nobyembre 30, ay natapat naman ng Huwebes ng 2023.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Nobyembre 27 ay maaaring ideklara bilang isang non-working holiday habang ang Nobyembre 30 ay posible namang ideklara na isang working day.
Ang iba pang holidays na idineklara sa ilalim ng Proclamation 42 ay mananatili naman ani P-BBM, “unchanged, valid, and existing.”





Comments