top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dagdag-budget sa vaccination program

BULGAR
Jun 16, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 16, 2021



Nagpatuloy noong Martes, June 15, ang pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa National COVID-19 Vaccination Program.


Ang pangunahing agenda para sa pagdinig ay nang mailahad kung paano ginamit ng pamahalaan ang P82.5 bilyong budget para sa pagbili ng mga bakuna. Nanghihingi kasi ng karagdagang P25 bilyong pondo ang Department of Budget and Management (DBM).


Hindi naman mali ang humingi ng dagdag-pondo.


Ngunit kailangang nasisiguro natin na wasto ang paggamit ng gobyerno sa pondong inilaan para sa pagbakuna, lalo pa’t hindi naman “unli” ang pera ng bansa at patuloy ngang nasasaid dahil sa kasalukuyang pandemya.


Kailangan natin ng full accounting para sa pondong nailaan nang masigurong hindi ito nasasayang.


☻☻☻


Hindi lang din bakuna ang tanging solusyon sa pagbangon natin mula sa pandemya. Hindi ito “silver bullet” na lulunas sa lahat ng suliraning nakapalibot dito.


Kaya kailangang bigyang-diin ang iba pang aspeto sa pandemic management tulad ng contact tracing, isolation at treatment.


Mahigit isang taon mula nang una nating ideklara ang lockdown, ano na ba ang lagay ng bansa pagdating sa mga salik na ito?


Napabuti na ba natin o kapa-kapa pa rin?


Kinakailangang makapaglatag tayo ng maayos na sistema para sa mga ito, bilang pagtanggap na parte ng buhay natin ang mga nakahahawang sakit.


An efficient, fully working system will ensure we have ample protection not only against COVID-19, but also against new threats in the future.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page