Dagdag-budget para sa COVID-19 vaccine, inihirit ni VP Leni

ni Thea Janica Teh | November 22, 2020

Habang hinihintay ang rollout ng COVID-19 vaccine, kailangan na umanong simulan ang listahan ng mga mauunang bigyan nito, ayon kay Vice-President Leni Robredo ngayong Linggo.
Sa paraang ito, magiging maayos umano ang daloy ng distribusyon ng vaccine kapag ito ay naging available na sa Pilipinas. Aniya, “Tao-tao na. Magkaroon na ng lista, kasi iyong mga LGU naman, mayroon na silang listahan, iko-collate lang.
Halimbawa, kung sasabihin mong healthcare workers, ang dami-daming healthcare workers sa buong Pilipinas. Walang problema kung mapo-provide mo na agad lahat ‘yun all at the same time. Pero halimbawa mas kaunti ‘yung dumating, paano ‘yung pasunud-sunod na pag-prioritize?”
Bukod pa rito, sinabi rin ni Robredo na mag-request pa ng dagdag na budget para rito dahil kulang pa umano ang inilaan para sa vaccine storage equipment.
Matatandaang una nang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na sumang-ayon ang lahat ng mga senador na maglaan ng karagdagang budget para sa COVID-19 vaccine at sa cold storage facilities nito.





Comments