Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 27, 2026

Photo: File
Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy Director Rino Abad, ang galaw ng presyo ay batay sa apat na araw na trading sa langis sa world market.
Narito ang oil price adjustment sa susunod na linggo:
Diesel — posibleng bababa ng P0.70 per liter subalit maaaring tumaas ng hanggang P1.20 per liter.
Gasolina — posibleng rollback ng P0.50 per liter subalit posibleng tumaas ng hanggang P1.50 per liter.
Kerosene — posibleng rollback ng P0.50 subalit posibleng tumaas ng P1.40 per liter.
Ipinaliwanag ni Abad na ang presyo ay batay sa kahilingan ng mga kumpanya ng langis dahil sa pagkakaiba ng mga ordering schedule at premium at insurance rates.
Inaasahang maglalabas ng abiso ang mga kumpanya ng langis sa kanilang panibagong adjustment sa Lunes.





Comments