top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

“Dagdag-bawas” sa nat’l budget, dapat isapubliko!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 30, 2020



Aprubado na ng Senado ang higit sa P4 trilyong badyet.


Pero, daraan pa ito sa bicameral committee kung saan bubusisiin ang “dagdag-bawas” sa mga alokasyon!


◘◘◘


Kahit makalusot sa bicam ang “dagdag-bawas”, maaari pa itong mai-veto ni P-Duterte bago ito lagdaan.


‘Yan ang dahilan kung bakit dapat isapubliko o ilantad ang ginagawang “dagdag-bawas” sa Kamara!


◘◘◘


Sinegundahan ng dating speaker na si Rep. Alan Peter Cayetano ang expose ni Sen. Panfilo

“Ping” Lacson tungkol sa pinalobong pondo sa infrastructure budget ng ilang kongresista at binawasan naman nang todo ang ilan mambabatas.


‘Yan mismo ang dahilan kung bakit nagsisintir ang ilang miyembro ng majority group sa Kamara!


◘◘◘


Hinamon ni Cayetano ang liderato na dapat magkaalaman kung sino ang mga nakinabang at nabawasan sa dagdag-bawas scheme.


Ito ay para maiwasan ang batuhan ng putik at maging malinaw sa lahat kung totoo o hindi ang akusasyon ni Sen. Lacson lalo na tungkol sa paglobo ng infra budget ng ilang kongresista!


◘◘◘


Sakaling hindi ito mabubunyag sa publiko, aba’y bulagaan na naman ang mangyayari sa atin at posible pa itong ma-veto ni P-Duterte.


Sa panahon ni Cayetano ay ipinagbawal nito ang tinatawad na “parking funds” sa 2020 national budget.


Una ng ibinulgar ni Lacson na aabot sa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang infra fund ng mga kongresista lalo na ang mga dabarkads ni Speaker Lord Allan Velasco!


◘◘◘


Sinabi ni Lacson na hindi aksiyon ng lider ang ipinakitang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantalang kitang-kita ang paglaglag nito sa mga kongresista na kaanib ng dating speaker.


Nilinaw ni Lacson na mali ang ginawang dagdag-bawas sa pondo dahil lalong naging malaki ang disparity o agwat ng naging hatian ng pondo sa pagitan ng mga kongresista!


◘◘◘


Tinukoy dito ang P15.351 billion sa distrito kumpara sa P620-M sa ilan.


Kaya naman ipinangako ng senador na haharangin niya sa bicam ang dagdag-bawas na ito!


◘◘◘


Kapansin-pansin ang pananahimik ng kampo ni Velasco tungkol sa dagdag-bawas isyu.


Tanging mga alipores lamang niya sa Kamara ang sumasagang at dumidepensa sa kaliwa’t kanang bigwas ni Lacson tungkol sa infra fund!


◘◘◘


Kung seryoso si P-Duterte na labanan ang harap-harapang korupsiyon na imimaniobra ng kanyang mga kaalyado, dapat niyang i-veto ang “dagdag-pondo” sa infra budget ng mga buwayang kongresista.


Mas malamang ay magtengang-kawali ang tatay ni Rep. Pulong!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page