Daan-daan, nawawala... 157 patay sa flash flood sa Nepal
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @Overseas News | August 27, 2026

Photo: AP / AFP
Pumalo na sa 157 katao ang kumpirmadong patay habang daan-daan pa ang nawawala matapos salantain ng halimaw na baha ang hilagang bahagi ng Nepal nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat, nanggaling ang rumagasang tubig sa Tibet at mabilis na nanalasa sa Bhote Koshi River bago tuluyang niyanig ang mga lugar ng Timure at Syabrubesi hanggang sa Trishuli River.
Kabilang sa mga nawawala ang mga dayuhang turista, pilgrims, mga sundalo ng Nepal Army, pulis, at mga lokal na manggagawa.
Todo-kayod na ang mga helicopter at drone sa search and rescue operations. Gayunman, paralisado ang mga rescuer dahil sa mga nawasak na kalsada, ginitingang mga tulay, at bagsak na linya ng kuryente at komunikasyon.
Patuloy namang sinisiyasat ng mga eksperto kung pagguho ng yelo o pagbabara ng tubig sa boundary ng China ang nag-trigger sa biglaang trahedya.





Comments