top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

DA, todo-bida na may sapat na supply ng bigas, pero ‘yung pramis na P20 per kilo, nganga!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 18, 2023


ASAR-TALO SI CONG. CASTRO KASI SA ISINAMPANG KASO VS. EX-P-DUTERTE INIISNAB LANG NG EX-PRESIDENT -- Asar-talo si ACT Teacher partylist Rep. France Castro sa isinampa niyang kasong grave threat laban kay dating Pres. Duterte kasi dalawang beses nang iniisnab ni ex-P-Duterte ang patawag sa kanya ng Quezon City Prosecutor’s Office.


Maaasar talaga si Cong. Castro kasi seryoso siya sa isinampa niyang kaso laban kay ex-P-Duterte, tapos ang ex-president hindi naman sineseryoso ang kasong isinampa sa kanya ng partylist rep., boom!

◘◘◘

 

LUPIT NG LTFRB DAHIL TALAGANG TATANGGALAN NA NG HANAPBUHAY ANG MGA TSUPER AT OPERATOR NG JEEPNEY AT UV EXPRESS -- Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagsapit ng December 31, 2023 ay tatanggalan na raw nila ng prangkisa ang mga traditional jeepney at UV express na hindi nagpa-member sa mga kooperatiba na accredited ng LTFRB.

 

Ganyan kalupit ang LTFRB sa panahon ng Marcos administration kasi pagpasok ng taong 2024 ay talagang tatanggalan na nila ng hanapbuhay ang mga tsuper at operator ng traditional jeepney at UV express, tsk!

 

◘◘◘

 

KAILAN KAYA IBIBIDA NG DA NA MAYROON NANG P20 PER KILO NG BIGAS? -- Ibinida ng Dept. of Agriculture (DA) na hindi raw kakapusin ng supply ng bigas ang ‘Pinas sa unang quarter ng year 2024.

 

Sa totoo lang, ang gustong marinig ng mamamayan sa DA ay meron nang P20 per kilo ng bigas sa merkado at hindi ‘yang may sapat na supply ng bigas ang ‘Pinas, kasi alam naman ng taumbayan na hindi talaga kakapusin ng bigas ang bansa dahil maraming rice importers ang nag-i-import ng mga imported rice papasok sa ‘Pinas, period!

 

◘◘◘

 

COVID-19 PARA HINDI NA LUMAGANAP, IBALIK ANG MANDATORY PAGSUOT NG FACE MASK – Dumarami na naman ang tinatamaan ng COVID-19 sa ‘Pinas. Dahil d’yan ay dapat ipag-utos uli ng pamahalaan ang mandatory na pagsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar para maiwasan na mas lumaganap pa ang COVID-19 sa bansa ngayong panahon ng Kapaskuhan, boom!

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page