top of page

'D Incredible Dy, mabigat ang hamon laban kay Malignaggi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 8, 2026



Rolando Dy vs Malignaggi

Photo: File / Dy vs Malignaggi



Mabigat na depensa ang kahaharapin ni World bare-knuckle champion Rolando “D-Incredible” Dy laban sa dating 2-time world boxing titlists Paulie “Magic Man” Malignaggi para depensahan ang Bare Knuckle Boxing (BKB) Police Gazette World super-welterweight title sa BKB 54: Mayhem sa Manchester sa Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa AO Arena sa Manchester, United Kingdom.  


Bagaman aminadong mas marami ng karanasan pagdating sa fist-fighting matches ang 34-anyos na dating Mixed Martial Arts titlists, nananatiling mataas ang respeto at pagkilala kontra beteranong boxer mula Brooklyn, New York. “Tingin ko kasi I fought better bareknuckle boxers kaysa sa kanya. I was tested sa BKB eh. Siya hindi paPero I still don't underestimate him. Two-time world champion pa rin ng boxing yun,” pahayag ni Dy sa mensahe nito sa Bulgar Sports.


Binira ni Dy ang ikatlong sunod na panalo ang unang kampeonato sa Bare Knuckle kontra Liam Rees ng United Kingdom sa bisa ng 6-round unanimous decision noong Dis. 5, 2025 sa BKB 49: “Dance of the Dragons” sa Vale Arena sa Cardiff, Wales, UK sa bisa ng 59-54 at 58-55 sa mga hurado.


Dahil sa panalo ay naiangat ng Pinoy fighter ang kanyang kartada sa 5-1 rekord kasama ang tatlong panalo mula sa knockouts, kabilang ang pagpapabagsak sa anak ni boxing legend Roberto Duran na si Roberto Jr. noong Mayo 31, 2025 sa BKB 41: Brawl in Duval 2 sa bisa ng third round.


Kaugnay ng nalalapit na laban kontra sa dating world super-lightweight boxing champion na si Malignaggi, na sasabak sa kanyang ikatlong bira sa bare-knuckle bout, sisiguraduhin ng dating UAE Warriors Featherweight titlists na gagamiting diskarte nito ang kanyang karanasan sa MMA at iiwasang magamit ng bentahe ni Malignaggi ang kanyang malawak na kaalaman sa boxing. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page