top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Cybercrime sa bansa talamak, ingat!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2023
  • 1 min read

@Editorial | September 17, 2023


Nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kasong may kaugnayan sa cybercrime.


Mismong Philippine National Police ang nagsabi na naglipana ang mga cyber-related crimes sa bansa.


Kaugnay nito, magpapatupad umano ng mas mahigpit na pagbabantay ang pulisya ukol dito.


Tinatarget ang pagtatatag ng Anti-Cybercrime Unit sa bawat police station sa iba’t ibang rehiyon upang mabigyan ng kapasidad ang mga bawat himpilan na labanan ang mga krimen online.


Una nang iniulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na batay sa kanilang naging monitoring ay mas malala ngayon ang problema ng bansa pagdating sa online scamming kung ikukumpara sa suliranin ng ilegal na droga.


Kung hindi mapipigilan ang paglaganap ng anumang krimen gamit ang internet, ano na ang mangyayari? Bukod sa banta sa ekonomiya, patuloy ding malalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mamamayan.


Kaya hamon sa gobyerno na maging mas masigasig at mautak laban sa mga scammer.


Hindi puwedeng pinagtatawanan lang tayo ng mga sindikatong nasa likod ng iba't ibang panloloko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page