top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Cyber threat sa bansa, tapatan ng mas mabigat na parusa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2024
1 min read

@Editorial | Enero 12, 2024


Mas lumala ang mga cyber attack sa bansa.


Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), aabot sa 1,834 cyber incidents ang kanilang natugunan nitong 2023. Mas mataas ito ng 66.44% kumpara sa 1,129 incidents noong 2022.


Patuloy umanong pinaiigting ang hakbang laban sa mga ito sa pamamagitan ng Cybersecurity Bureau-National Computer Emergency Response Team (NCERT).


Umaasa tayo na ang kanilang inilatag na National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 na nakatutok umano sa tatlong strategic outcomes kabilang ang pagpapaigting ng cybersecurity policy framework, at pagpapataas ng cybersecurity workforce capabilities ang tuluyang magpapatigil o kahit makapagpapababa man lang ng mga kaso ng cyber attack.


Kung sa kabila ng dedikasyon ng ahensya sa pagtugon laban sa mga cyber threats, ay namamayagpag pa rin ang mga pag-atake, kailangang mas dagdagan pa ang pagsisikap sa pagtugis at mas bigatan ang parusa.


Huwag sanang balewalain ng kinauukulan ang mga kasong ito na posibleng maglagay sa alanganin sa seguridad ng bansa.

 

 

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page