top of page
Search
  • BULGAR

‘Cutting trip’, labag sa batas, mga pasahero magsumbong

@Editorial | July 9, 2023




Naranasan n’yo na rin ba na matiyempo sa tsuper na nag-cutting trip?


‘Yung sitwasyon na kung kelan ka nagmamadali, saka ka pabababain at pasasakayin na lang sa iba dahil sa iba’t ibang rason ng mga tsuper.


Marahil, karamihan sa atin ay inaakalang okay lang ang ganitong gawain ng mga pampasaherong drayber. Pero ito ay labag sa batas at may katumbas na parusa.


Kamakailan, agad na inaksyunan ng Department of Transportation (DOTr) ang natanggap nilang reklamo kaugnay ng ginagawang “cutting trip” ng mga jeepney driver na biyaheng Pasay-Rotonda-Alabang via Service Road.


Kasama ng DOTr ang mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa nasabing operasyon.


Natiketan ang isang nahuling drayber at siya ay pinagmumulta ng P5,000 sa kanyang unang offense dahil sa pag-cutting trip.


Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa mga mananakay na iparating sa kanilang opisina ang anumang reklamo laban sa mga pampasaherong sasakyan sa pamamagitan ng inilunsad na DOTr Commuters Hotline na 0920964-3687.


Maraming matitinong drayber ang nadadamay sa mga pasaway. Sana ay matuto tayong sumunod sa batas at gawin nang maayos ang inaasahang serbisyo mula sa atin.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page