top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Curry, Green at tambalang Brown-Tatum, umuusok

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 02, 2022





Mahirap pumili ng mananalo sa NBA Eastern Conference at hinila pababa ng Boston Celtics ang dating no. 1 Miami Heat, 122-92, kahapon sa TD Garden. Sa Western Conference, bumanat si Stephen Curry at pinarusahan ng Golden State Warriors ang kulelat na Houston Rockets, 122-108.


Umusok muli ang tambalan nina Jaylen Brown may 29 puntos at Jayson Tatum na hindi na naglaro sa 4th quarter at nagtapos na may 20 para umangat ang Boston sa 27-25.


Nagbaga ang kamay ni Curry para sa pitong 3 points pa- 40 puntos at kumuha ng tulong kay Andrew Wiggins na may 23 puntos. Lalong nabaon sa ilalim ng Western ang Rockets sa kartadang 14-36 subalit 6-29 lang kapag naglaro si Fil-Am rookie Jalen Green na nag-ambag ng 10 puntos lang.


Ikinandado ng Philadelphia 76ers ang Memphis Grizzlies sa overtime upang maitakas ang 122-119 panalo at bumida sina Danny Green para sa tres at Tyrese Maxey na ipinasok ang huling dalawang layup para magtapos na may 33 puntos. Sinundan ni Tobias Harris na may 31 habang may 16 puntos si Andre Drummond.


Nagbabanta rin sa liderato ang Cleveland Cavaliers na nagtagumpay sa New Orleans Pelicans, 93-90, sa 21 puntos ni reserba Brandon Goodwin. Nakagawa ng dalawang free throw si Isaac Okoro at isa pa galing kay Lamar Stevens upang masigurado ang panalo.


Sa ibang mga laro, pinigil ng Indiana Pacers ang Los Angeles Clippers, 122-116, sa double-double ni Isaiah Jackson sa 26 puntos. Madaling pinauwi ng New York Knicks ang Sacramento Kings, 116-96, sa 17 puntos ni Julius Randle.


Samantala, itinalaga si Coach Monty Williams ng Phoenix Suns bilang head coach ng Team LeBron sa 2022 NBA All-Star Game sa Pebrero 20 sa Cleveland, Ohio. Hindi pa tiyak kung sino ang hahawak sa Team Durant at kung sino ang numero unong koponan pagsapit ng Pebrero 6 sa mahigpit na karera sa East.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page