top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Curry, Durant, James at Dokic una sa botohan ng NBA All-Star

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 08, 2022






Nakamit ni Stephen Curry ng Golden State Warriors ang pinakamaraming boto sa unang bilangan para sa 2022 NBA All-Star Game na gaganapin sa Pebrero 20 sa Cleveland, Ohio. Nagtala si Curry ng 2,584,623 boto, malayo sa sumegundang si Kevin Durant ng Brooklyn Nets na may 2,360,435 boto.


Mas malayo si Curry para sa dalawang guwardiya ng Western Conference kung saan 797,690 at 669,033 lang ang boto ng mga humahabol na sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks at Ja Morant ng Memphis Grizzlies. Para sa tatlong forward/sentro ng West, ang mga nangunguna ay sina LeBron James ng Los Angeles Lakers (2,018,725), MVP Nikola Jokic ng Denver Nuggets (1,649,809), Paul George ng LA Clippers (1,072,591) at Andrew Wiggins ng Warriors (933,355).


Kasama ni Durant sa mga nangungunang forward/sentro ng Eastern Conference sina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks (2,145,835), Joel Embiid ng Philadelphia 76ers (1,236,060) at Jayson Tatum ng Boston Celtics (643,970). Ang mga namumurong mga gwardiya ng East ay sina DeMar DeRozan ng Chicago Bulls (1,487,598), James Harden ng Nets (892,065) at Trae Young ng Atlanta Hawks (862,878).


Maaaring bumoto ang mga tagahanga sa NBA.com, NBA App at NBA Twitter araw-araw hanggang Enero 22. Pagkakataon ito na paramihin ang boto ng mga Fil-Am na sina Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Jalen Green ng Houston Rockets.


Sa mga laro kahapon, sinamantala ng New Orleans Pelicans ang pagliban nina Curry at Draymond Green at ibinigay sa Warriors ang magkasunod na talo, 101-96. Nagpatatag sa free throw ang Pelicans sa huling minuto upang mapigil ang paghabol ng mga bisita at

pinangunahan ni Brandon Ingram na may 32 puntos.


Naagaw ng Phoenix Suns ang liderato ng buong NBA pagkalipas ng ilang oras at tinalo ang bisitang Clippers, 106-89, sa likod ng ng triple double si Chris Paul.


Ibinaon ni RJ Barrett ang tres na may kalahating segundo sa orasan upang magtagumpay ang New York Knicks sa Boston Celtics, 108-105. Pito na ang magkasunod na panalo ng Memphis Grizzlies at tinambakan nila ang kulelat na Detroit Pistons, 118-88.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page