Cupid Song, magilas sa Hopeful Stakes Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 28, 2022
Nagpakitang-gilas si Cupid Song sa karerahan matapos nitong manalo sa naganap na 2022 PHILRACOM Hopeful Stakes Race noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Bugaw na lumarga si Cupid Song habang nag-uubusan ng lakas sa unahan sina Pharaoh's Fairy at Bocaue Rivertown.
Nasa hulihan pa rin si Cupid Song nang umabot na sa backstretch ang bakbakan.
Pero pinagalaw ni class A rider Kelvin Abobo si Cupid Song at papasok ng far turn ay lumalapit na ito sa unahan.
Pagdating ng huling kurbada ay nakuha na ni Cupid Song ang unahan at tinawid nito ang meta ng may kalahating kabayo ang agwat sa nasegundong si Pharaoh's Fairy.
iNirehistro ni Cupid Song ang 2:13.2 sa 2,000 meter race sapat upang ibulsa ang premyong P900,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Hinamig ni Pharaoh's Fairy ang P337,500 second prize habang tig-P187,500 at P75,000 ang third at fourth placers naa sina Eazacky at Bocaue Riverstone ayon sa pagkakasunod.
Samantala, pitong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - The Barrister (1), Chi Holly (4), Tininini (6)
Race 2 - Sun Dance (5), Platinum Bell (1)
Race 3 - Double Rock (6), Bordelle (8), Excavator (3)
Race 4 - Noon Bell (5), All To Easy (2)
Race 5 - Chef Cat (7), Mettle Strength (1), Barayong/Yes Kitty (3/3A)
Race 6 - Big Lagoon (6), Palibhasa Lalake (2), Shanghai Noon (3)
Race 7 - Raxa Bago (6), Pretty Meadow (2), Step Bell (4)





Comments