Search
  • BULGAR

CTG Pilipinas, abangan sa FIBA 3X3 World Tour Doha

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 1, 2021





Nakatanggap ng imbitasyon ang Chooks To Go Pilipinas 3X3, ang unang ligang propesyonal ng 3X3 sa bansa, sa magpadala ng kinatawan sa pagbubukas ng prestihiyosong 2021 FIBA 3X3 World Tour Doha Masters ngayong Marso 26 at 27 sa Al Gharafa Sports Club. Determinado ang FIBA na magdaos ng pinalawak na World Tour ngayong taon at baka idaos ang laro sa Pilipinas.


Kasunod nito ay ipinakilala ang unang 11 team tulad ng defending champion Riga ng Latvia. Hahamunin ang mga Latvian ng malakas na beteranong team na Liman, Ub at Novi Sad ng Serbia, NY Harlem at Princeton ng U.S. Amsterdam ng Netherlands, Piran ng Slovenia, Sakiai Gulbele ng Lithuania at ang nagbabalik na Beijing at Edmonton na parehong lumiban sa buong 2020.


Kasama rin sa listahan ang dalawang puwesto para sa host Qatar upang makabuo ng 14. Kung matutuloy, ito ang magiging unang sabak ni Coach Aldin Ayo matapos italaga bilang bagong head coach ng Chooks 3X3 noong Nobyembre subalit haharapin ang matinding hamon na maghanap ng manlalaro.


Kasama sa 2021 PBA Draft ang mga pambato ng Manila Chooks TM na sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Leonard Santillan at Troy Rike at malakas ang posibilidad na makukuha silang lahat sa Marso 14. Kasama rin sa draft si Franky Johnson ng Uling Roasters-Butuan habang pumirma ng kontrata sa Alaska Aces si Gab Banal ng Nueva Ecija Rice Vanguards.


Ihahayag ng FIBA sa mga susunod na linggo ang mga dagdag petsa sa kalendaryo ng World Tour. Nitong Pebrero ay pinatibay ng FIBA at CTG 3X3 ang kanilang samahan at nangako si FIBA 3X3 Events and Partnerships Head Ignacio Soriano na itutuloy ang naudlot na Manila Masters na gaganapin dapat noong Agosto sa SM Megamall at ilan pang mga pandaigdigang palaro sa Pilipinas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.