Cruz sa TESDA at Coo sa PSC, itinalaga ni P-BBM
ni Lolet Abania | July 20, 2022

Itinalaga ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. si Danilo Cruz bilang director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.
Sa isang statement, sinabi rin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na si Olivia Garcia “Bong” Coo ay na-designate naman bilang commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).
Samantala, si Coo na isang bowling legend, ay nagbigay ng karangalan sa bansa matapos na makamit ang maraming medalya sa iba’t ibang tournaments kabilang na ang limang gold, dalawang silver, at tatlong bronze sa Asian Games gayundin, walong gold medals sa Southeast Asian Games.
Kasunod ng appointment ni Coo, ang PSC ay mayroong isang chairman at tatlo pang commissioners.





Comments