Crush pa naman daw niya… LUCHI, UMAMING PINIGILAN PARA MAINTERBYU SI PIOLO SA SHOW
- BULGAR

- Sep 19, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 19, 2020

Speaking of KC Concepcion, nagulat ang batikang newscaster-journalist na si Luchi Cruz Valdez na sa lahat ng mga nai-guest niya sa kanyang bagong show sa TV5, ang Usapang Real Life (URL), si KC ang nanguna sa pagkakaroon ng mataas na viewership rating.
Matatandaang pinag-usapan ang naturang guesting ni KC sa show ni Luchi dahil naging emotional siya at inaming feeling naa-out of place sa kani-kanyang pamilya ng kanyang parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Samantala, bukod kay KC, pinag-usapan din ang guesting sa URL ni Alessandra de Rossi kung saan sinabi naman niyang P18 K na lang ang laman ng kanyang bank account.
Wish din ng Tv host na mainterbyu sana si Piolo Pascual among our local actors.
"Crush ko rin kasi 'yun, eh, pero sabi, 'wag daw muna," sey ng URL host.
Sino kaya ang pumigil sa guesting ni Piolo sa show ni Luchi?





Comments